Pacific Hernandez

Rookie - 205 Points (September 17,1937 / Marikina City)

Political Dynasty - Poem by Pacific Hernandez

Salitang Dynasty ay nangangahulugan
Ng rulers na galing sa iisang angkan
Ito’y nababanggit sa Chinese history
Noong ang ruling class ay clan o family
Tulad ng Han, Qing, Ming, Yuan, Song Liao, Tang, Sui,
Jin, Zhou, Shang Xia at iba pa na dynasty

Dynasty sa Pinas ay uso din naman
Political Dynasty kung ating bansagan
Ang pamumuno ay nasa iilan lang
Ama, ina, anak, manugang o biyenan
Mga politikong iisa ang angkan

Me mga angkan na politics ang hilig
Sa anumang puwesto, malaki’t maliit
Aayaw bumitaw, tuko kung kumapit
As everybody knows, maraming benefit
Power, prestige, honor, kasama na’ng kupit
That is why they cling to the tree of politics

Meron ngang ilan diyan, galing sa itaas
Nagkasemplang-semplang nahulog, nalaglag
Sa lowest na sanga pa rin ay bumitin
Aayaw bumitaw, nasa poder pa rin
Ngunit sa performance sila nama’y wala
Ang taong bayan ang nagiging kawawa
Walang nagagawang mabuti sa bayan
Sa HungHang Dynasty sila’y nabibilang.


Comments about Political Dynasty by Pacific Hernandez

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Wednesday, November 13, 2013



[Hata Bildir]