Pacific Hernandez

Rookie - 253 Points (September 17,1937 / Marikina City)

Ang Kalbo - Poem by Pacific Hernandez

Ang sabi mo noon, ako ang mahal mo
Kahit nandadalang na itong buhok ko
Nakakita ka lang ng mas pogi't guwapo
Ay lumimot ka na, iniwanan ako

Sawing kapalaran, hindi ko matanggap
Ako ay kumuha ng isang bulaklak
One by one ang petals ay aking pinitas
Kasabay ang tanong, 'Loves me she? , Loves me not? '

Petals ay naubos nang di ko nalaman
Kung ako o hindi ang tunay mong mahal
Sa pamimighati, ang napagbalingan
ko'y itong buhok kong lalong dumadalang

Isa-isa sila ay aking binunot
Yun pa rin ang tanong, 'Loves me she? , Loves me not? '
Saklap ay nadama sa panghuling buhok
Kasagutan pala'y. truly you love me not

Nakapanglalambot, anong saklap Diyos ko
Bakit ba nadamay pa itong buhok ko
Dahil sa pag-ibig, ako ay ganito
Wala na ngang buhok, panot na pa'y kalbo


Comments about Ang Kalbo by Pacific Hernandez

  • Rookie - 142 Points Mifael Llauderes (10/27/2008 2:13:00 PM)

    a comic relief!
    galeng! (Report) Reply

    0 person liked.
    0 person did not like.
  • Freshman - 517 Points Ency Bearis (10/18/2008 8:12:00 AM)

    baka buhok yong nagtampo..kaya napanot na lang dahil hindi ma-ibig..
    nice idea..it tickled me...A 10

    Ency Bearis (Report) Reply

  • Rookie - 300 Points Manonton Dalan (10/18/2008 7:51:00 AM)

    buti sa buhok mo lang nagtampo. magaling.salamat md.10 for you.
    bakit love me she, mayroon bang he lol. (Report) Reply

Read all 3 comments »



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Saturday, October 18, 2008

Poem Edited: Sunday, December 5, 2010


[Hata Bildir]