Yakap Ni Jollibee At Mcdonald Poem by Captain Herbert Poetry

Yakap Ni Jollibee At Mcdonald

Mga pagkain mo’y swak na swak sa aming panlasa
Kuhang kuha mo ang saya ng pamilya at mga bata
Kapag kinain at nguinuya ka ng lahat ay hinahanap-hanap ka na
Bukang bibig ka na ng maraming Pilipino pati mga musmos

Si nanay, tatay, lolo at lola'y sa iyo order para sa bonding
Sila ate, kuya at mga bunso’y maglalambing at magpapabili sa mga magulang
Sasaya ang mga barkada at mga kaibigan magsasama -sama
Maraming ngumungiti kapag may nanlibre, treat o may sagot ng salu-salo

Ang ligaya ng ating mga kaarawan o children's party kapag ito ang mga handa
Takam na takam sa masarap na sikreto ng spaghetti na kakaiba ang mga sangkap
Pagkatapos tugmang tugma rin ang sarap ng fried chicken na katakam-takam

Kapag medyo kulang ang pera’y
french fries o hamburger sulit na sulit na
Kahit walang cheese si burger ay malinamnam at masarap na
Patatas na fries na very special na kakaiba rin ang pagkaluto
At habang kumakain ka’y ang nakakakaaliw din tignan ang mascot na nakakapagsaya rin.

At home na at home maging customer sa Jollibee at Mc Donald na asikaso, malinis, disiplinadong mga crew at mataas ang pag-intindi nila sa atin.
Minsan magtitipid ka na lang at mag-iipon para makakain sa dito
Pagsahod ay bibili at dadaan ka talaga dito para may pasalubong sa mahal sa buhay
Pagdating mo sa munting bahay ay yayakap at hahalik ang mga anak pati ang iyong mga mahal habang inaabot may sayang balot ng Jollibee o McDonald.

Yakap Ni Jollibee At Mcdonald
Wednesday, August 12, 2015
Topic(s) of this poem: food
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success