Sigaw Ng Katahimikan Poem by Hannah Faye Pagayunan

Sigaw Ng Katahimikan



Sigaw ng katahimikan
kahit gaano pa laksan
ito'y di mapakikinggan
tanging humihiyaw ang nakakaalam

Kaisipang di masilag
katotohanang kaytagal na binihag
kaliluhang di nais mabunyag
katahimika'y di mabasag

Sigaw ng mga luha
nang pagod na sumisinta
mapapait na alaalala'y sinasariwa
ngunit ano pa bang magagawa?

Sigaw na walang nakakakilala
hirap na tinatamasa
pagkukunwaring masaya
habang buhay na umaasa

Kung maaari nga lang na isigaw mo
sakit na tinatago
sa mga taong nagmamahal sayo
di nais sila'y magtampo

Sa gitna ng kaingayan
Pagkatahimika'y sumigaw ng minsan
Nakakabinging pakinggan
Kay laking tanong ang iiwan

COMMENTS OF THE POEM
C T Heart 28 September 2008

Napakagandang pagkakalikha ng iyong isinulat...parang nagugunita ko ang masasayang alaala sa aking buhay sa Batangas... _________ Welcome to poemhunter Faye, hoping to see more of your creative works.

0 0 Reply
Edgardo Tugade 27 September 2008

Very touching, Faye. Highly recommended. My sentiments exactly. You're lucky to have poemhunter at so young an age. Me, my poems appeared in our school paper :)

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success