Maaari Ba? Poem by Hannah Faye Pagayunan

Maaari Ba?

Rating: 5.0

Maaari ba akong maging kandado
Na akma sa susi mo?
Sa malamig na gabi'y maaari ba
Ako'y maging init sa 'yong mga paa?

Maari bang maging isla ako
Sa isang dagat na tulad mo?
Maari bang maging buwan ako
At ikaw ang magsilbing mundo?

Hiyas akong magmistulan
Ikaw sana ang aking maging kinang
Maaari bang ako'y maging dahilan
Upang di ka makadama ng kalungkutan?

Ibon kang iginapos nila
Maari bang ako sa iyo'y magbigay laya?
Kung ako'y mapunta sa kawalan
Sana ika'y maging anghel at ako'y gabayan

Sa oras na maging araw ka
Pagsikat at paglubog mo'y sasamahan kita
Nakakapagod na araw iyong madama
Maari bang pawiin ito ng aking tula?

Kung ika'y lilisan na nga
Maari bang ako ang maging 'Huwag muna'?
Sa lahat ng iyong katanungan
Maari bang ako ang maging dahilan?

COMMENTS OF THE POEM
Cindy Velasquez 02 November 2008

i love this poem! :)

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success