Pagsinta Poem by Duard Cabral

Pagsinta

saan hahantong ang aking landas na tinatahak
sinong makapagsasabi kahit langit ay hinamak
irog ng puso'y ikaw lang ang sambit
sampu ng mga bituin aking kinawit
sa pagbigkas nitong mga kataga
animo'y isang sandata
kasama ay dalangin
isinaliw ng hangin
oh irog
oh irog
dinggin ang pagdulog
pagtatangi ang handog
aking puso'y ikaw lang ang irog
babaybayin dagat, ilang at ilog
saklaw ng haring araw aking abot-tanaw
kamtin ang aking inaasam nag-iisang ikaw
balakid 'di alintana dito sa daang nilalandas
pagkat magkadaupang palad; wala ng singwagas


_(july 26 2011)

COMMENTS OF THE POEM
Naida Nepascua Supnet 04 September 2011

sadyang ganyan ang pagibig lahat gagawin masunod lamang ang nais.

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Duard Cabral

Duard Cabral

Bulacan, Phils.
Close
Error Success