Paghangos Ng Isang Musmos Poem by Jake Tadla

Paghangos Ng Isang Musmos

Galit…
Galit sa isang katauhan
Na siyang nagbigay ng buhay
At nagpalaki sa pagkasuklam.
Hindi lubos maisip
Na kung paano’y ang kalagaya’y
Dinadaan sa pagtawa’t pagtulog.
Magmula pa sa kamusmusan
Hanggang sa magkaisip
At manilaw-nilaw na
Animo’y hindi tinatablan ng pagsawa
Sa ulam na panis na sa mata.
Gabundok at umaapaw na
Ang tinalupan sa basong sukatan.
Ngunit hinahawi ng hanging matamis
At kahit papaano’y ngumingiti.
Dumudungaw sa labi
Ang bawat pagbuga ng pagkalma
Nang ang salubong na kilay
Ay hindi ikakasal kailanman.
Ngumingitngit ang ngipin at bibig
Sa pagkainis na labis
Hanggang pinapatigas ang kamao
At dagling pagkurot sa damit.

Sa bawat pagsalubong
Ay pagkunot ng noo.

Isang kabatak. Kasama. Kaibigan.

Yumuko… Noo sa dulo ng mesa.

Humagulgol. Humahangos.

Isang musmos.

COMMENTS OF THE POEM
Ency Bearis 10 November 2008

thoughts provoking..is this a madness like a little child in tempertantrum? ... Ency Bearis

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success