Learn More

Ellirie Aviles


Ganti ng Anak (Galit at poot)


'Hijo de puta ka! '
'Wala kang kwenta! '
Ang bungad pagdating mula sa paaralan
Nag-aral ng mabuti, sinikap umunlad
pag-dating maririnig ay 'putang ina'
paulit-ulit, minu-minuto'y pinapaalala
'inutil ka! h'wag mu ubusin ang aking pasensya
Anak lang kita! pag ako napundi papatayin
kita! '
Ang grado'y di kataasan ngunit di mababa
Sa eskwela'y aktibo't nangunguna
pag-dating sa bahay - 'putang ina! '
's'an ka nanggaling', sabay bato ng maling
hinala
Sa ano mang sambitin ay di naniniwala
ano mang dahilan ay binabale wala
minsan ako'y napaisip, ako ba'y anak mo talaga?
Ganito ba magmahal ang tunay na ama?

Paulit-ulit na sinasaksak ang damdamin
paulit-ulit na tinatamasa ang sakit
Mistulang hayop at walang buhay kung tratuhin
yaring buhay ay hinagpis lang at pait
Ang mga nakamit ay di man lang pinapansin
ang mga medalya't certifico'y tila wala lang
din
Ano ba talaga ang nais mo? ito'y aking gagawin
Ang walang kwentang buhay ba ay dapat ng
tapusin?
Sa bawat araw na lumipas, nakakintal na sa
isipan
Ako'y walang kwenta, walang silbi't inutil
Sa bawat minutong lumipas, umuusig sa isipan
siya ba o ako na lamang ang sa buhay ay
kikitil?
isang anak, naghahanap ng pag-aaruga
di sa tahanan, sa kandili ng iba
at ngayon ika'y magtataka
kung bakit halos ayaw n'ang umuwi pa

Ang bawat hambalos ng kung anong mahawakan
Ang bawat bote ng alak na tumama sa katawan
Bawat pananakot at pangaalipusta
Tama na! sobra na! Hindi ko na kaya!
Ang latay sa katawan ay kayang tiisin
pero ang salita'y mas matalas pa sa bubog
Ang mga paghihinala'y kayang di pansinin
pero h'wag magtaka kung anu ang inyong hinubog
Isang halimaw! demonyo! impakto't diyablo!
kung ano kayo'y ganoon din ako
Kaya pag-lipas ng mga araw ninyo
ang galit ay kakawala at mapapasainyo
Sa pagdating ng araw na ika'y uugod-ugod
ako'y di maawa, umiyak man o lumuhod
Ako'y nabulag na ng galit at paghihiganti
sa galit na itinanim, ngayon kayo ang aani!

II.
Pag galit ang itinanim, siya ring aanihin
Kaya mga magulang, ang anak ay mahalin
sila'y pakaingatan, subukang intindihin
Matutong magpahalaga, kamalia'y tanggapin

Pagkat ang paslit kung sa karahasa'y mamulat
lalo na sa manhid at sa awa'y salat
Ang buhay ay matatapon, masisirang tuluyan
Nakaw ang kamusmusan, wasak ang kinabukasan!

Submitted: Sunday, April 21, 2013
Edited: Monday, April 22, 2013

Do you like this poem?
1 person liked.
0 person did not like.

Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?

Comments about this poem (Ganti ng Anak (Galit at poot) by Ellirie Aviles )

Enter the verification code :

There is no comment submitted by members..

Trending Poets

Trending Poems

  1. Do Not Go Gentle Into That Good Night, Dylan Thomas
  2. The Road Not Taken, Robert Frost
  3. Stopping by Woods on a Snowy Evening, Robert Frost
  4. Annabel Lee, Edgar Allan Poe
  5. Invictus, William Ernest Henley
  6. Fire and Ice, Robert Frost
  7. 'My Christmas Prayer' (For all who have .., Linda Winchell
  8. Dreams, Langston Hughes
  9. A Life-Lesson, James Whitcomb Riley
  10. Alone, Edgar Allan Poe

Poem of the Day

poet James Whitcomb Riley

There! little girl; don't cry!
They have broken your doll, I know;
And your tea-set blue,
And your play-house, too,
Are things of the long ago;
...... Read complete »

   

New Poems

  1. someone asked me why i have so many jars.., Mandolyn ...
  2. Not A Fairytale, Apolynn Lagaras
  3. let's worship nothing, forever, Mandolyn ...
  4. Keep Patience and Stand, Kumarmani Mahakul
  5. Nothing Seems Right, Andrew Butler
  6. Seventeen Thoughts, A Lifetime, Kewayne Wadley
  7. Strangers Welcome, Kewayne Wadley
  8. What is truth?, Edward Clapham
  9. A Most Happy Holiday, Dorothy (Alves) Holmes
  10. Christmas - Christmas, Dorothy (Alves) Holmes
[Hata Bildir]