! ! Bukang - Bibig Poem by Inner Whispers

! ! Bukang - Bibig

Rating: 2.3


Sa pagdaraan ng mga araw, ako'y tila nahahapo
Masidhing pagdaramdam ng nalulungkot na puso,
Yupi ang pakiramdam, bakit ganito?
Ano nga ba't tila may ibig isigaw, ako ay nalilito!

Bawat katagang namutawi sa labi mo
Batid ko, nanggaling sa malinis mo'ng puso,
Subalit nakaramdam ako ng pagbabago
Dala ba marahil sa naguguluhan ko'ng isip at puso?

Nasaan ka ba...? bukang-bibig ko
Kung kailan naman gusto na kita'ng makasama, Mahal ko,
Sa hapo ng puso at isip sa paligid at gawain ko
Nais ko naman sana ang maramdaman ka sa tabi ko!

Hanap-hanap kita...namutawi na kataga
Bukang-bibig na lamang ba at hindi na malalasap pa,
Ang pagyakap mo upang ako ay punan ng ligaya
Mahal ko, hinahanap-hanap na kita, maniwala ka!

Mahal kita...mahal kita...bukang-bibig na kataga
Kailangan kita, gusto na kita'ng makatabi sa pagtulog, Sinta,
Ngunit nandyan ka, nandirito ako, magkahiwalay at malayo
Pilit pinupunan ng mga kataga ng bukang-bibig na pagsuyo!

Ano'ng paghihirap ba ito na dulot ng pag-ibig sa iyo?
Pilit ko mang limutin ang mga katagang ito na bukang-bibig ko
Hindi masupil ang pangungulila na nasa kaibuturan ng puso ko
Ayoko nang maramdaman pa, ako ay nahihirapan na!

Mahal kita...Miss na kita...bukang-bibig ko sa tuwina
Umuwi ka na sa piling ko, Sinta!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success