Treasure Island

Inner Whispers

(May 25,2008 (d day this page was born) / Philippines)

! ! S I D H I


Tumatakbo siya sa parang ng kawalan
Matinding sikat ng araw, tumuyot sa kanyang lalamunan,
Masalsal na paghinga, tibok ng puso'y naghabulan
Paligid ay tila limbo, umiikot, bumibilis ang pag-inog!

'Anak ng pitong baka! Saan ba naglimayon ang punyeta! '
Kalansing ng takip ng kaldero'y narinig sa kusina.
Tinabig ang pitsel na sa lamesa nakatumba
Kumpol ng langaw ay nagliparan, sa kagyat niya'ng pagtihaya.

Pilit ipinikit ang mata'ng nanlalabo
Tiniis ang SIDHI ng kalam, sa katawang hapo,
Tiktik ng butiki, sa kisame'y tingin ay napako
Nakaramdam ng kaba, bumalikwas bigla
'Nasaan na nga ba ang magaling ko'ng asawa? '

Binagtas niya ang masikip na eskinita,
Kaladkad ang paa'ng nginig pa sa hina;
Sa pagdaan niya sa grupo ng tsismosa'ng si Rosa
Narinig nya ang kantiyaw, 'Wala, Kadyo,
ang Ligaya mo'y ligaya na ng iba! '

Inginuso ng mahaderang Rosa ang pinid na pinto
Kagya't sinipa ng huramentado nang si Kadyo,
Natambad ang senaryo'ng sa kanya'y nagpaliyo
Ngipin ay nagngalit, automatikong hinagilap ang ice pick
na sa kanya'ng bewang nakasukbit!

Hinablot ang buhok ni Rosa na nakapatong pa
Sa tagiliran inasinta at limang matitinding saksak ang tumama,
Hinarap ang kapitan na nakatunganga na tila ibinabad sa suka
Nanlilisik ang mata, SIDHI ng pagkasuklam ang dumapo sa kanya!

'Kadyo, maghunusdili ka! ', nginig na wika ni Kapitan
'Ang Ligaya mo ang lumapit, sa akin ay pilit kumapit,
SIDHI ng kalam ng sikmura ang dahilan niya,
kaya't ipinalit ang puri na iniingatan niya sa limandaang halaga! '

Tila walang narinig si Kadyo, mistulang aso nang ulol
Nanginginig na tinadyakan ang mukha ni Kapitan
Di mapigil ang SIDHI ng galit, ang pait at hinagpis
Kinaldkad palabas ang hubo't hubad na katawan
ng nagmamakaawang Kapitan!

Mga miron ay naglisawan, panay-panay ang hiyawan
Nakita si Kadyo na kamay at katawan ay duguan
Pinaluhod ang Kapitan sa kanila'ng harapan
'Anooo...heto ang Kapitan ninyo'ng demonyo!
De kalibre at malinis kuno! Pwe! Masahol pa sa ulol na aso! '

Sirena ay narinig sa di kalayuan
Na siyang umalarma kay Kadyo upang manlaban,
Sa SIDHI ng suklam, sa harap ng pulisya na alagad ni Kapitan
Binutas ang lalamunan, sumirit ang dugo at nangisay ito ng tuluyan!

Ahhh...SIDHI ng gutom ano ba ang dahilan?
Kawalan ng trabaho sa katulad ni Kadyo na isang mangmang;
SIDHI ng silaw sa salapi naman ang mag-uudyok upang mapawi ang kalam
Kakapit ito sa patalim, malamnan lamang ang sikmura at sarili'y matustusan!

Ano nga ba'ng hirap ito na lantarang nakatambad
Ang pagtulong ba sa kapwa'y may dapat kapalit?
Pati ba naman respetado'ng si Kapitan, di na inisip
Ang dangal ay isinanla sa SIDHI ng pita ng laman,
sinamantala ang SIDHI ng kalam ng kanyang nasasakupan!

(Alay kay hunyangong Kapitan...)

Submitted: Monday, July 06, 2009

Do you like this poem?
0 person liked.
0 person did not like.

What do you think this poem is about?



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?

Comments about this poem (! ! S I D H I by Inner Whispers )

Enter the verification code :

There is no comment submitted by members..

PoemHunter.com Updates

Poem of the Day

poet Henry Wadsworth Longfellow

When the hours of Day are numbered,
And the voices of the Night
Wake the better soul, that slumbered,
To a holy, calm delight;

Ere the evening lamps are lighted,
...... Read complete »

 

Modern Poem

 

Trending Poems

  1. 04 Tongues Made Of Glass, Shaun Shane
  2. Daffodils, William Wordsworth
  3. The Road Not Taken, Robert Frost
  4. Farewell, Anne Brontë
  5. Footsteps of Angels, Henry Wadsworth Longfellow
  6. Phenomenal Woman, Maya Angelou
  7. Still I Rise, Maya Angelou
  8. Do Not Go Gentle Into That Good Night, Dylan Thomas
  9. Death is Nothing at All, Henry Scott Holland
  10. Jiske Dhun Par Duniya Nache, Kumar Vishwas

Trending Poets

[Hata Bildir]