! ! ! Bagwis Ni Ina Poem by Inner Whispers

! ! ! Bagwis Ni Ina

Rating: 5.0


inaring kawangis
ang dalawang burgis
makukulit, nanggigiyagis
kumakalingang bagwis
kapanatagan nila'y ninais!

nakailan na bang takot
rumehistro sa noong kunot
may sakit ka ba, masakit ba
huwag nang umiyak
tumahan na.

pulang dugo dumaloy
sumugat sa inyo, kayo'y nanaghoy
kinubling pagkataranta
kagyat ihip ang ipinadadama
dampi ng halik sa inyong pagkabalisa.

alam n'yo ba, nalalaman n'yo ba
ngiti at halakhak n'yo sa tuwina
musika sa aking kaluluwa
gagawin ang lahat
maibigay ang sa inyo ay nararapat!

pilit pinapawi
lungkot sa inyong mga labi
nais ay mabigyan ng ngiti
subalit di nga ba't kayo ang ngiti
sa pait sa aking bawat ngiti?

kayo ang inaring lakas
minamahal ko kayo ng wagas
hindi ako kailanman tatakas
kayo…oo, kayo
bagwis sa akin hanggang wakas!

Friday, January 16, 2015
Topic(s) of this poem: mothers day
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success