* Mahal Kita, Alam Mo... Poem by Inner Whispers

* Mahal Kita, Alam Mo...

Rating: 1.9


PAG-IBIG NA UMAAPAW...

Sa aking pagharap sa salamin sa bawat umaga
Ninanais ng puso kong sa bawat nagdaang gabi ikaw ang kasama
At sa bawat linggo ikaw ang relihiyon ko sinta
Ikaw rin ang magsisilbing tinapay ng buhay ko't kaluluwa
(I feed on and consume your love each day, you are my daily bread)

Sa bagong buhay ko, ikaw ang dahilan
Ayaw ko nang lumingon sa alin mang pag-ibig na nagdaan
Ikaw lang and sadyang sentro ng buhay ko
Pag-ibig na totoo, huwag sana'ng mag-bago.

Tatlong araw at gabi lamang ang hiling ko
Upang makilala mo tunay kong pagkatao
Maranasan mo sana sa mga araw na yaon
Tunay at masidhing pag-ibig ko, kasing bangis ng alon.

Nararamdaman mo ba PAG-IBIG NA UMAAPAW?
'MAHAL KITA' alam mo, hanggang mundo'y magunaw
Tuturuan kitang lumangoy sa ilog ng pag-ibig
Halika, kumapit ka sa aking mga bisig.

Ilang araw pa ba akong mangungulila?
Sa tunay na pag-ibig mo, aking sinta
Nag-iinit mong yakap at masiil na halik
Sa totoo mong pag-ibig ako ay nasasabik.

MAHAL KITA, ALAM MO...

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success