Inner Whispers

Rookie (May 25,2008 (d day this page was born) / Philippines)

! ! ! A L O N


Sa natagpuang malinis na dagat ay nakayapak na lumusong
Nagpatangay sa alon, duyan ng pangarap umusbong,
Hinayaang lumaya ang hinaing ng puso at kanyang bulong
Ligalig na hatid nito'y ninamnam, handa na ba'ng isulong?

Ragasa ang alon, tinangay ang walang tutol na panaghoy
Tangis ng puso, init ng pag-ibig ay nagningas, umapoy!
Himagsik ng kalooban pilit na sinikil, di tinukoy
Ano ba, bakit ba, pagkalula'y naramdaman sa kanyang ugoy!

Tila higop ng kumunoy, mapagkit ang kapit
Magneto ng alon ay hindi maiwasan kahit nakapikit,
Ang lakas ng hatak, hindi malabanan kahit na kumapit
Sa paniniwalang ito lamang ay magdudulot ng hinagpis at pait!

Natuto ngang pumaimbabaw, sa alon ay nagpatangay
Alon ng mapanglaw na pananabik sa kanya'y sumabay,
Daloy ng kasiyahan, ninamnam ang pag-ibig na tunay
Tinangay ng masidhing pagsinta na walang kapantay.

Sa alon ng pangarap kanyang nabatid
Hangaring makamtan ang kaligayahang hatid,
Pag-ibig na wagas rumagasa sa puso'ng sabik
Tinupad ang hiling ng kanyang matapat na gibik!

Saan ba patungo, alon ng hangaring ito
Sa dulo ba ng talampas, mahuhulog ba o hihinto?
O kakapit at tatayo, humakbang palayo dito
Upang sa ituktok ng talampas, daloy ng pangarap itatayo?

Pag-ibig na dumaloy, sa puso'ng hapo
Ngayo'y tigib ng pagnanasang magkapanagpo,
Isakatuparan ang hinaing ng sabik na puso
Maging isa, sa alon ng pag-ibig ay magpatangay ng buong puso!

Submitted: Thursday, August 30, 2012

Do you like this poem?
0 person liked.
0 person did not like.

Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?

Poet's Notes about The Poem

ALON...di nagsasawang humalik sa dalampasigan. Ganun din ang tula ko...babalik at babalik sa kung saan siya nakatakdang humalik...Walang kapanatagan...walang hanggan. Ikaw ang tula ko...laman at hiram ng aking kathang isip. Ikaw at ako ang alon...ang dalampasigan ay di atin...wala tayong sariling dalampasigan...nakikihiram lang, nakikihalik!

Alay kay Maria at sa aking TULA...ang ALON ng aking puso at kathang isip.

Comments about this poem (! ! ! A L O N by Inner Whispers )

Enter the verification code :

Read all 1 comments »

Trending Poets

Trending Poems

  1. Alone, Edgar Allan Poe
  2. All the World's a Stage, William Shakespeare
  3. The Road Not Taken, Robert Frost
  4. Christmas Carol, Sara Teasdale
  5. The Three Kings, Henry Wadsworth Longfellow
  6. Dreams, Langston Hughes
  7. Daffodils, William Wordsworth
  8. Still I Rise, Maya Angelou
  9. Do Not Go Gentle Into That Good Night, Dylan Thomas
  10. A Child's Christmas in Wales, Dylan Thomas

Poem of the Day

poet Li Po

Amongst the flowers I
am alone with my pot of wine
drinking by myself; then lifting
my cup I asked the moon
to drink with me, its reflection
and mine in the wine cup, just
...... Read complete »

   

Member Poem

poet Marvin Brato Sr

New Poems

  1. A Song Of Joys, Walt Whitman
  2. Fließendes Grün, Floy Dy (Floyd) Ra (Floydson)
  3. Release yourself, Elena Ioannou
  4. BETCHE SAID PATIENCE, ANTHONY KIRUI
  5. Crazy Thing, Leah Ayliffe
  6. A Thought A Head, Ima Ryma
  7. **कधी कधी **, Lyrics Swapnild Chatge
  8. ** सागं ना 2 **, Lyrics Swapnild Chatge
  9. ** अबोल भावना मनातल्या **, Lyrics Swapnild Chatge
  10. I am Not Alone, Sandra Feldman
[Hata Bildir]