Palipat-lipat ng mga relasyon
Iba’t-ibang kasintahan
Madaling magsawa kapag natikman ka na
Pabago-bago ng kalaguyo at kasuyo
Nangibang bahay na may ibang pamilya
Karamihan sa mga inosente, mabaig tapat ay
Napupunta sa mapaglarong transferee,
Na ayaw ng commitment kundi katawan mo lamang.
Madaling maboring at madaling maumay
Para ka lang ulam na tinolang manok na hinigop
Para ka lang sabaw na inaamoy at kinakain
Gusto paiba-ibang putahe ang gustong tikman
Marami ng ganitong tao dahil marami ring nagpapalinlang
Maraming naaadik sa salitang love na dahilan sugat na puso
Mawawala ang mga transferee kapag hindi niyo sila hinahayaan
Sana wala ng palipat-lipat para buo ang relasyon at buo ang pamilya.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem