'Kung ako'y sa lugar mo pupunta
sa palagay ko ikaw ay magtataka
marahil baka kabahan ka pa
kapag ako ay bigla mong makita
Alam mo naman siguro ang dahilan
kung bakit napunta sa'yong tahanan
iyan para ang ganda mo masilayan
lalo na ang ngiti na puno ng kulay
Marahil alam mo din naman
na wala akong pwedeng puntahan
kung hindi ang lugar mong tinitirhan
na matagal ko ng iniisip at inaasam
Gusto ko lang ipadama sa iyo
na mahal kita at puso ko'y lito
at kahit ano pa ang gawin mo
hindi magbabago ang pagtingin ko.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem