Tag-Ulan Poem by John Arvin Sangalang

Tag-Ulan

Taginting ng patak sa bubong lumalapat
Patlang na baitang sa ibabaw kumakalat
Daan ng tubig sumasabay sa hulmahan
Bunga nito'y kalungkutan sa karamihan

Kalungkutan baga ani ng mga nag-iisa sa buhay
Ngunit biyaya sa ibang walang tigil sa bahay
Buhay na kinalakihan, maghapon sa sakahan
Walang tigil ang katawan umulan man o umaraw

Patak ng ulan sa iba'y kaligayahan
Kaligayahang di maipaliwanag dulot ng lamig na binibitawan
Ni walang magawa kundi umungkot nalang sa isang tabihan
At kung lalamigin pa'y bumabaluktot sa higaan

Meron pa diyang basta nalang pupungay ang mata
Mag-eemote na nga lang magpapatugtog pa ng paboritong kanta
Sasabay at dadamahin ang bawat bitaw ng salita
Na para bang baliw na may sariling kartada

Ang iba pa nga'y ayaw pumirmes sa sariling bahay
Andun at nakikipagtaratong maggala sa kapit-bahay
Kung kapit-bahay nama'y hindi pumayag
Tawag sa kaibigang hindi pwedeng hindi mayayakag

Mga may karelasyon andiyan at naglalambingan
Salitang matatamis ang pinagpapalitan
Di man magkasama'y may cellphone na namamagitan
Mapa-skype, facebook, email, etc. basta nagmamahalan

Ibang mayayaman ay lalabas, pupunta sa sinehan
Pagkatapos umiyak at tumawa, ang tungo'y sa kainan
Mura man o mahal ay kanilang pupuntahan
Mapa-kape man sa starbucks at pizza galing yellow cab

Sa may kaya sa buhay, dvd ang katapat
Gotohan at lomihan sa kanila ay sapat
Andiyan pa ang betamax sa may tapat
Na kanilang inihanda para sa mga taong barat

Sa di pinalad at kapos sa buhay
Masaya na ang makagising ng may panibagong buhay
At sa kanila'y kape at pandesal ang masarap sa tag-ulan
Na hinding hindi ko pagpapalit kelan pa man…

" Normal na buhay para sa tag-ulan"
" Kung anong trip mo'y walang basagan"
" Kung ngiti naman sa iyong labi'y makakamtan"
" Para na ring umaraw sa pagpatak ng ulan"

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
Pamumuhay ng mga kapwa Pilipino sa panahon ng tag-ulan
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success