Pagsubok Poem by John Arvin Sangalang

Pagsubok

Isang simpleng buhay na nakalakihan
Nakalakihang buhay kasama ng aking ina
Inang andiyan at patuloy kaming pinapahalagahan
Pinapahalagahan, minamahal at inaaruga

Buhay na kinalakiha'y unti-unting nawawala
Nawawala't natitidlak sa isang bahay naiimbak
Naiimbak ang panahong kapiling ang aking ina
Ina na noo'y sa amiy nangangaral at nagbibigay saya

Saya ng magkakasama tila nawawala na
Nawawala ang saya dahil ika'y nasa malayo na
Layo ng distansya'y nakakapagpa-alala
Nakakapagpa-alala yaring alam naming ika'y may sakit at mahina na

Sakit na hindi alam kung kanilang malulunasan pa
Malulunasan ang sakit na maaaring humantong sa iyong paglisan
Paglisang ayaw na ayaw naming magaganap
Magaganap ang paglisang dudurog ng lahat

Lahat- lahat ng aming pangarap
Pangarap na bibigyan namin kayo ng magandang buhay
Magandang buhay na di pa natin naranasan
Naranasan ang buhay na naranasan na nila

Buwan ang lumipas ika'y nariya't nagpapaalam
Nagpapaalam na ika'y tuluyan ng lilisan
Lilisan sa oras ding iyon at tuluyan kaming iiwan
Iiwan sa kadahilanang di mo na kaya

Salitang iyong inilabas, luha'y di mailabas
Salitang inilabas hindi namin matanggap
Matanggap ang desisyon mong ika'y tuluyang lilisan
Lilisan at magpapaalam dahil hirap ka na sa iyong katayuan

Katayuang alam nami'y napakahirap
Napakahirap labanan sakit na iyong nararamdaman
Sakit na " cancer" bakit sa iyo pa tumama
Tumama nalang sana sa aking sarili'y pilit lalabanan

Hirap at sakit tingan ng iyong kalagayan
Kalagayang makina na lang ang sa iyo'y sumusuporta
Makinang nagbibigay lakas at hangin sa iyong katawan
"Katawang inilalaban, pusong nahihirpan, isip na gustong mabuhay"


Luhay pinipilit naming takpan
Takpan sa iyong harapan ng matatag na mukha
Mukhang pagnakatalikod na'y tinutuluan ng luha
Luhang walang humpay sa kakalabas, pumapatak sa aking kinakatayuan

Katawa'y lugmok at nanghihina
Nanghihina at nahihirapan pag ika'y aming makikita
Makikitang ika'y lupaypay na nakahiga sa iyong higaan
Higaang kasama mo sa hospital ilang buwan

Pag-aaral ko'y aking kinakalimutan
Kinakalimutan kahit akoy mapagalitan upang ikay aking bantayan
Mabantayan at maipakitang ako sayoy nagmamahal
Nagmamahal ng buo at bilang iyong anak

Panghihina ng sarili'y pilit nilalabanan
Nilalabanan at ginagawa lahat para madugtungan ang iyong buhay
Buhay na iginagapang namin kahit kami'y mahirapan
Mahirapan sa paghingi ng tulong kahit di namin kilala

Kapal ng mukhay hindi iniinda
Iniinda ang sasabihin ng kung sino man
Sasabihin sa paglapit at paghingi ng tulong
Tulong na tatanawing isang napakalaking utang na loob

Hanap ng mahihingan ng tulong, naulan may walang pakialam
Walang pakialam sa ulan hatid man nitoy karamdaman
Karamdamang wala sa katiting ng kanyang kinakaharap
Kinakaharap na karamdamay pilit nilulunasan

Panahoy dumating, sulat iyong inilahad
Inilahad ang sulat, pagkat ikay di makapagsalita
Di makapagsalita dahil sa tubo sa iyong lalamunan
Lalamunang ginamit para hangi'y lumabas

Sinulat mong inilahad sa aki'y dagliang ibinigay
Ibinigay na sulat may ganitong laman
"kuya gusto ko pang mabuhay pero wala na tayong pera"
" alam kong hirap na hirap na rin kayo kahahanap ng pera, halos mamalimos na daw kayo.
Tama na. Hirap na hirap na din ako at ayaw ko ding mahirapan kayo"
Sa kanyang sinulat halos gumuho lahat ng aming hirap
Hirap ng pinagdaanan na hindi namin inaalintana

Dugtong pa sa kanyang sulat
" papuntahin mo na sila dito bukas na bukas papatanggal ko na ang sumusuporta sa akin,
Gusto kong magkasama-sama tayo nayong gabi"
Sulat na kanyang ibinigay hindi na nagawang bitawan
Bitawan kagaya ng pangakong binitawan sa kanya
Pangakong magtatapos kalakip ang karangalan

Oras, araw, panaho'y nagtagpo sa silid ding iyon
Silid ng aking inang hirap sa sitwasyon
Ina na hanggang sa huli'y nagpakita ng pagmamahal ng walang limitasyon
Ina na ngayo'y nasa mas mabuti ng kalagayan at lokasyon

Sinalanta ng pagkakataon lungkot na nakapaloob
Lungkot na noo'y gustong isambulat dala ng sama ng loob
Sama ng loob na hindi sa pagkatao'y sumaklob
Sumaklob sa pagkatao na noo'y gusto ng tumaob

Buhay na ngayo'y may panibagong inspirasyon
Inspirasyong tuparin lahat ng naging pangako sa anumang sitwasyon
Sitwasyong bibigyang solusyon
Solusyon upang karangalay maging pundasyon

Buhay na tatahakin walang ng pagaalinlngan
Pagaalinlangang babangon sa pagsubok na nagdatingan
Pagsubok na mayroong ibat ibang kahulugan
Kahulugang base sa sitwasyong hindi inaabangan

Pagsubok! Isang katagang laging sinasambit ng taong positibo
Pagsubok na mayroong kalakip na lungkot sa mata ng tao
Pagsubok na pagiyong tinalikuran ika'y talo
Kaya't ano nga ba para sayo ang salitang pagsubok? !

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
pagsubok sa buhay
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success