Ikaw At Ako Poem by John Arvin Sangalang

Ikaw At Ako

Tanong na lagging naglalaro sa aking isipan
Bakit kailangang pasamain ang dati ng may aking kagandahan
Na kailangan lang linangin at bigyang karampatan
Karampatang respeto at kahit konting kahalagahan

Alam kong alam niyo na ang tinutukoy ng aking isipan..
00! Tama! ! Siya nga! Ang ating "KALIKASAN"
Kalikasang ngayo'y patuloy tayong nililisan
Dahil sa iyo! Sa kanila! Sa ating lahat! Sa ating mga kapabayaan..

Ikaw! ! Nais mo bang may maabutan pa? !
Abutan ang kagandahan na nasilayan mo na
Ng iyong anak at kanilang magiging anak pa? !
O nais mong kamulatan nila ang kalbaryo na bunga ng iyong pagsasawalang bahala!

Magisip-isip ka nga! ! Anong buhay ang gusto mong mangyari sa kanila?
Ang mamuhay sa kapaligirang hindi maubos-ubos ang basura?
Ang tumira sa sa araw-araw na baha sanhi ng pagkawala ng puno sa kagubatan?
O ang mamuhay sa pugon ng araw sanhi ng usok ng mga sasakyan at factorya?

Nariyan pa't sukdulan ang pang-aabuso sa ating kalikasan
Sa paggamit ng mga dinamita sa panghuhuli ng mga lamang dagat
Sa pagpatay sa mga hayop na hindi naman kinakailangan
At pang-aabuso sa pagkuha ng ating lupang sakahan

Hindi ka ba nangangamba?
Nangangambang isa ka sa magiging dahilan ng pagkawala ng iba!
O hindi ka man lang natatakot? !
Natatakot na baka isa ka sa maging biktima ng iyong mga ginawang katakot-takot! !

Sana nama'y magisip-isip ka na! !
At tingnan mo ang kanilang magiging kahahantungan
Hahayaan mo bang maranasan pa nila ang mga naranasan mo na?
O isa ka sa kikilos upang maibalik ang dating kagandagan ng ating "KALIKASAN"

Isa ka na nga sana! !
Isa sa mag-uumpisa at magtataguyod upang panatilihing malinis at maayos ang ating "Kalikasan"
At sana isa ako! ! !
Isa sa nagpamulat sa iyo na ang ating "KALIKASAN" ay hindi dapat abusuhin at ipagsawalang bahala bagkus atin itong respetuhin, bigyang pansin at pangalagaan upang maibalik ang dating sigla ng ating "KALIKASAN"

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
kalikasan
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success