Tag Ulan Na Naman Poem by Rommel Galicia

Tag Ulan Na Naman

Tagulan na naman
Bakit ako nasasaktan
Na tila ba ang bawat patak
Ay naglalagusang saksak.

Tag ulan na naman
Ang balisa sana'y maibsan
Yaring pusong uhaw
Ramdam ang iyong pagpanaw.

Tag ulan na naman
‘tong isipan ko ikaw ang laman
‘tong puso ko ikaw ang tibok
‘tong buhay ko ikaw ang pagsubok

Tag ulan na naman
Sana lang tunay nang makamtan
Ang buhay sa piling mong dalisay
Aking pangarap ‘wag nang mawalay.

11/02/2022 10: 24 PM

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success