Mahirap pala ang umasa ng sobra
Dahil sa huli ay masasaktan ka
Mawawalan ka ng sigla
At sa pagkain ay walang gana
Mga pangyayaring hatid ay pagkabigo
Na siyang dudurog sa iyong puso
Kay hirap limutin kahit na pilitin mo
At nagdudulot rin ng sakit sa ulo
Makikita ka mang nakangiti
Ngunit sa likod sakit ang nakakubli
Sugat na dulot ay mahapdi
Pati nadaramang lungkot ay di mawari
Sadyang ganito ang buhay
May mga nagagawa tayong sablay
Isipin lamang na ito ay tulay
Upang makamtan pangarap mong tunay
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem