Bakit Ba Ganyan? Poem by Leomar Palorma

Bakit Ba Ganyan?

Rating: 1.9


Hindi mo alam kung saan tutungo..
Didiretso....kakanan...o liliko?
Sadyang nagdudulot ng pagkalito
Sa isipan ninuman.. maging sa puso

Maraming daan ang pagpipilian
May masukal, masikip, malubak at patag rin naman
Ngunit hindi alam ang kahahantungan
Kung sa dulo ba ay may ligaya o kalungkutan?

Ganito marahil talaga kung ikaw ay nagmamahal
May mga bagay ka rin na dapat isugal
Kahit hindi alam kung kailan magtatagal
Ang mga pasakit at pagpapagal

Kailangan lang na hindi ka agad sumuko
Upang pangarap na minimithi ay maabot mo
Dito masusukat ang katatagan ng ng isang tao
Upang patuloy na mabuhay sa mundo.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success