Noong ako'y bata pa, laruan lang ang gusto,
Walang problema at may sariling mundo;
Ngunit panaho'y lumipas at ito'y nagbago,
Naging kumplikado ang buhay ko sa mundo.
Ngayong ako'y nasa tamang gulang na,
Mga nais kong makamtan ay natitiyak ko na;
Di ako mabubuhay ng nag-iisa,
At di makaranas ng problema't saya.
Pagdating ng bukas na ako'y matanda na,
Tanging maipagmamalaki ko'y ang hawak kong ala-ala;
Salamat sa lahat ng aking nakasama,
Dahil kwento ng buhay ko'y magtatapos na.
Sadyang ganito ang buhay sa mundong ibabaw,
Ika'y sisikat at lulubog na parang isang araw;
Kaya sa bawat panahong lilipas,
Gawing makabuluhan ang tinatahak na landas.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem