Kambal Ng Aking Puso Poem by Xian Sutrof

Kambal Ng Aking Puso

Ang buhay kong ito'y iaalay sa'yo
Lahat ibibigay at gagawin, yan ay pangako
Tunay ang hangad ko at nawa'y ibigin mo
Ako'y maghihintay sa iyong matamis na oo.

Sana'y maramdaman mo ang init ng pag-ibig ko
Ito'y mananatili at di magbabago
Anumang haba ng panahon, ito pa rin ay buong-buo
Na tila isang matigas na bato.

Langit man ay aabutin kung hihilingin mo
Ito'y patunay lang sa wagas na hangarin ko
At kahit ano pa man para lang di ka malayo
Maniwala ka na sana at ibigin na ako.

Talagang mahirap pigilin ang pintig ng puso
Tulad sa agos ng ilog na di mo mahinto
Ngunit alam kong di maling pag-ibig ang nararamdaman ko
Walang dudang ika'y kambal ng aking puso.

03/16/'09

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success