Pangungulila Sa Tabing-Dagat. Poem by Karlo Avenido

Pangungulila Sa Tabing-Dagat.

Ikaw
sa tabing-dagat
sa karimlan ng gabi
sa lamig ng dapit-hapon
sa ilalim ng niyog
sa ibabaw ng pawid na bubong
sa gitna ng ating pawisang katawan.

Ako
sa iyong panaginip
sa iyong paggising
sa dalampasigan
sa tuwing umaga
na gumigising
nang wala ka.

(Surrey, Canada, Jan 25, '09 12: 08 PM)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Karlo Avenido

Karlo Avenido

Manila, Philippines
Close
Error Success