Karangyaan sa ilalim ng tulay
sa tabi ng ilog tuwing taglamig,
niyebe't yelo ang aking kama't unan,
bubong ng semento'y init ang hatid.
Sa hapag-kaina'y may sago't gulaman
manok de-yelong ating pagsasaluhan,
kahit ang nanay ang maghugas ng pinggan:
kaunting yuko lang sa ilog-hugasan.
Tuwing gabi at giniginaw nang husto,
magkumot ka lamang ng niyebeng nagyelo;
ika'y pahihimbingin ala-iyayo
na parang mukhang sanggol na sumususo.
(Surrey, Canada, Jan 22, '09)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem