Marami ngayong Pasko marahil di magdiriwang,
Sa lungkot at pighati, ay magluluksa na lamang.
Nagdaang mga unos tila nga ba tinimbang
Ang tunay na mahalaga sa bawa't nilalang.
Totoong lahat ng bagay dito sa 'ting daigdig
Di ito magtatagal, gaano mang higpit ang kabig
Sa isang iglap pinahid ng hanging maligalig
Buhay, gamit, pag-aari, matayog man ang tindig.
Atin bang naitanong sa ating mga sarili
Kung ang oras ay ngayon, saan tayo mananatili?
Ang hungkag na mga bagay, ito ay walang silbi-
'Sa Akin kayo kumapit', ang Diyos na ang nagsabi!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem