Tikman mo
ang tamis ng luha
ng tagumpay
tikman mo rin
ang pait ng luha
ng pagkabigo.
Tikman mo
ang tabang ng luha
ng pagkukunwari
tikman mo rin
ang alat ng luha
ng pagpupunyagi.
Iba't-ibang luha
tikman mo muna
bago mo pagtawanan
silang iyong itinuturing
na mga walang binatbat.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem