Kalong Ni Inang Nanay Poem by Captain Herbert Poetry

Kalong Ni Inang Nanay

Rating: 5.0

Naglihi ng ilang buwan upang tayo'y masilayan ng may kalinga
Pagsusuka, pananakit, at mga hindi komportableng pakiramdam
Ingat na ingat na huwag kang masaktan kahit nasa tiyan pa lang
Umiiri ng masakit upang mailuwal ka ng ligtas mahal kong anak

Karga na kita sa aking piling at karga na rin ang pasanin sa iyong paglaki
Alalay, tagaluto, tigalaba, plantsa, tagaluto at maghahatid sayo sa paaralan
Yaya, nars, alila, makita ka lamang maayos at magandang kalagayan
Tagapagtanggol pag may nanakit at taga antay sayo kapag gabi na

Napariwara man o laging basag ulo'y kakampi pa rin sa ano mang sitwasyon
Di man sumunod sa pangaral, iiyak na lang at iluluhod ka sa Maykapal
Wala man naging direksyon ang ating buhay, babagsak pa rin tayo sa yakap ni nanay
Wala man marating sa pangarap, siya ang ating una at huling tagahanga

Sa mahirap na pag-aruga mo'y minsay walang hinihintay na kapalit
Maalala mo lang siya at tawaging Nanay ko'y walang kasingsaya na ang kanyang taglay
Magantihan man ng mga karangyaan at materyal na bagay ay hindi niya na rin ito malasap dahil sa katandaan
Sa simpleng pagtabi, pag-uusap kahit siya'y bingi at utal-utal na'y ramdam sa kanyang kailalimang kalooban

Sa unang kanlong natin mula sa kanya ng tayo'y isinilang ay siya naman ang ating KALONG sa bawat huli ng kanyang buhay.

Friday, January 16, 2015
Topic(s) of this poem: mother
COMMENTS OF THE POEM
Bernadette Fernandez 25 May 2015

With the arms of a loving mother, we are so secure So lovely poem

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success