Pacific Hernandez

Rookie - 278 Points (September 17,1937 / Marikina City)

Email Address And Emoticons - Poem by Pacific Hernandez

Ang first name ko'y Hapis, ang surname ay Dusa
Ang aking middle name ay Buntunghininga
Siempre ako ay merong Permanent Address
Sa Number 13-B Kalungkutan Street
Nasa panulukan ng Calle Pasakit
Barangay Pighati, sa Lunsod ng Tiis

Email address ko ay balisa@ynaku! .com
At facebook user name ako din ay meron
I am Mr. Worrysome aka Mr. Lament
Ang aking password ay woe24/7

Ang emoticons ko ay napakarami
Ang pinakamadalas ay icon ng Worry
Emoticon ng Joy ako na ay wala
Ang madalas ay Pain, dahil na'y matanda


Comments about Email Address And Emoticons by Pacific Hernandez

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Wednesday, March 6, 2013

Poem Edited: Wednesday, March 6, 2013


[Hata Bildir]