! ! ! Dapo Poem by Inner Whispers

! ! ! Dapo

Rating: 3.0


sa tinahak na kasukalan
ika'y dumapo, nagparamdam
humarang sa daraanan
hakbang ko'y pinigilan
pinayapa ang aking pakiramdam.

ah...

isa kang DAPO
na pumayapa sa puso ko'ng hapo
hinaplos ang aking pagkatao
niyakap mo ang kaluluwang nalilito!

ako'y huminto
pinagmasdan ang tulad mo
anyo mo'ng mapang-akit
ako ay napalapit
hinayaang sa iyo ay maakit!

hanggang kailan mo ako pipigilan
sa pagtakbo ng marahan?
hanggang kailan mo ako mabibighani
upang manatili sa mundong
ikaw at ako lang ang nagmamay-ari?

hala, lipad....!
DAPO ng pangarap!
tangayin mo ang aking puso't isip
ilipad ako...ilayo
sa kasukalan na kinsadlakan ko!

ngunit alam ko...
sa paglipad mo
at sa muling paghakbang ng mga paa ko
masukal man ang dako pa roon
hahakbang pa rin ako
bitag man ang patutunguhan
o kasiyahang walang hanggan...

hala...
ako'y lalakad na.

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
Excited ko'ng ibinuhol ang aking sapatos. Kahit 'ata nakapikit ay mabilis pa sa tatlong segundo ko ito naisisintas. Nike kaya...haha! Ah, magbibirthday na pala sa October...tsk...duda ako'ng makakabili ng bago nito...cost-cutting kasi. Antay na lang ako ng sponsor. Madali lang naman ako'ng hanapan ng size 7. Crossing fingers, lol. Hindi ako makasapatos na tao pero okay, tanggap naman 'pag may extra blessing, haha!

Dala ko ang camera sa pagtakbo sa umagang iyon...Tanong ko sa aking kaibigan na si Maria kung safe ba tumakbo sa gawing kanang bahagi ng lugar. Siniguro naman niya na walang gagalaw sa akin sa baryong iyon. Game. Takbo...papawis at sabayan na rin ng sipat-kuha ng camera sa mga bagay na umaakit sa aking mga mata.

Isang tipikal na baryo, magkakalayo ang mga bahay at siguro'y isa lang ang nakita ko'ng tao habang ako'y tumatakbo.
Wala naman akong reklamo sa lugar. Peaceful nga eh. Pero tanong ko sa sister ko at sa mga kaibigan ko kung kakayanin ba nilang tumakbo sa estrangherong lugar na ganito mag-isa. 'No way! ' lahat ang sagot, haha!

Adbenturera lang siguro ako. Kahit naman napakalawak ng imahinasyon ko at naniniwala pa rin naman ako sa existence ng kababalaghan eh may lakas-loob naman akong tuklasin ang mga bagay-bagay lalo na't pagdating sa nature.

Wala naman ako'ng naencounter na nakakapangilabot pero nakakaramdam naman ako na may mga entity na nakamasid, haha! Mga curious lang, baga. Ramdam ko yun. Ops, 'wag na kontrahin kasi ako naman nakaramdam nun eh hindi ikaw na nagbabasa...haha!

Well, nasa dulo na ako malapit sa sangang daan...pero napahinto ako sa gitna ng daan dahil sa isang DAPO. Ang tagal niyang nanatili sa dadaanan ko, delaying me from running. Iginalang ko ang gusto niya, so pinanood ko sya at kinuhanan ng ilang anggulo. Sa lahat ba naman ng dadapuan eh sa daanan pa patungong kasukalan. Hindi sya natitinag sa ilang klik ng camera ko. Okay, samantalahin. Klik dito, klik doon. Wala an'tagal...antay ko nang lumipad pero hayun at gusto talagang pakodak.



Akma ko syang hinuli...pero hayun at lumipad na. Sige na nga, ako'y babalik na. Baka nga may dumaang sawa o dili kaya'y may nag-aantay na asong ulol para sakmalin ang wetpu ko kaya pinigilan ako'ng umabante pa ng DAPO na ito.

Babala o tagapaghatid-saya, pwede na. Pero ang alam ko, may mga dumarating sa buhay ng tao ang nagsisilbing saviour o nagbibigay ng saya. Na sa bawat takbo ng tao sa kasukalan ng buhay ay may darating na isang nilalang na magpapahinto sa'yo at magpapasaya sa'yo...na pupukaw sa pansin mo, pansamantala man o sa walang hanggang paalam...

(para sa DAPO ng aking buhay, salamat...)
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success