Bedspacer (Uae) Poem by Jesus Diaz Llorico

Bedspacer (Uae)

'Tulad ng mga ibon na lumaki sa nayon
pinangarap na umalis at makaahon
dito sa UAE nagkaron ng pagkakataon
na inasam ng mahabang panahon

pagdating dito maraming dapat unawain
para ikaw ay hindi malagay sa alanganin
una sa kwarto ay lagi kang tahimik
dahil karamihan galing sa nightshift
kaya sa tenga na lang isinasabit
earphone para pinapanood ay marinig
sa paggamit ng banyo sa umaga
asahang marami lagi ang nakapila
ang hirap lalo na kung naiihi na
nagtitiis na lang lagi sa tuwi tuwina
sa tuwing weekend naman ay inuman
at nagiging maingay sa kalasingan
mga sari-saring kwento at tawanan
laging inaabot pa ng madaling araw
sa pagluto naman ay sama sama
pagkat tsismisan nangyayari sa kusina
kay daming sinasabing nakakahalina
mga kwentong pag-ibig at mga jowa

gaya ng kislap ng mga bituin
na nagbibigay ningning sa buhangin
mga pinoy na sadyang masayahin
na sumasabay lagi sa ihip ng hangin.'

Thursday, January 26, 2017
Topic(s) of this poem: lifestyle
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success