Pacific Hernandez

Rookie - 67 Points (September 17,1937 / Marikina City)

Bansag-Angkan sa Marikina


Ang Marikina ay natatangi’t iba
Sa maraming bagay kami ay kilala
Di lang sa sapatos, ugaling maganda
Sa ibang larangan, kami’y nangunguna

Dito’y mapapansin mo at mapupuna
Na mayroong bansag ang mga pamilya
Ang isang pamilia pag ipinagtanong
Maaaring sila ay hindi matunton
Sabihin mo man ang nila’y hanapbuhay
Ang napagtanungan, wala pa ring alam
Apelyido nila, iyo mang banggitin
Maaring malabo’t walang linaw pa rin
Pero banggitin mo ang kanilang bansag
Sila’y makikitang mabilis at tiyak
Sa madaling sabi’y may mga pamilyang
Mas nakikilala sa bansag ng angkan
Kesa sa apelyido’t kanilang pangalan

Dito sa Marikina ngayon ay uso pa
Ang bansag sa angkan meron palagi na
Ang ilan sa bansag-angkan kong narinig
Ay angkan ng Buwaya, Bangus, Biglao, Patis
Meron pang Bayawak, Bukol at Kamatis

Sa mga huli at ngayong henrasyon
Ay may pagtataka kung bakit ba gano’n
Paanong ang mga angkan ba’y tinawag
At nangagkaroon ng ganoong bansag
Sa saling-lahi ay nagpalipat-lipat
Sa mga ninuno, kanino nag-ugat

Isang kaugalian na luma bagaman
Sa Marikina ay bahagi ng buhay
Nakatutuwa at magandang tradisyon
Na di mabubura maging ng panahon

Submitted: Thursday, April 11, 2013
Edited: Tuesday, October 08, 2013

Do you like this poem?
0 person liked.
0 person did not like.

Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?

Comments about this poem (Bansag-Angkan sa Marikina by Pacific Hernandez )

Enter the verification code :

There is no comment submitted by members..

Trending Poets

Trending Poems

  1. Alone, Edgar Allan Poe
  2. All the World's a Stage, William Shakespeare
  3. The Road Not Taken, Robert Frost
  4. Christmas Carol, Sara Teasdale
  5. The Three Kings, Henry Wadsworth Longfellow
  6. Dreams, Langston Hughes
  7. Daffodils, William Wordsworth
  8. Still I Rise, Maya Angelou
  9. Do Not Go Gentle Into That Good Night, Dylan Thomas
  10. A Child's Christmas in Wales, Dylan Thomas

Poem of the Day

poet Li Po

Amongst the flowers I
am alone with my pot of wine
drinking by myself; then lifting
my cup I asked the moon
to drink with me, its reflection
and mine in the wine cup, just
...... Read complete »

   

Member Poem

poet Marvin Brato Sr

New Poems

  1. Release yourself, Elena Ioannou
  2. BETCHE SAID PATIENCE, ANTHONY KIRUI
  3. Crazy Thing, Leah Ayliffe
  4. A Thought A Head, Ima Ryma
  5. **कधी कधी **, Lyrics Swapnild Chatge
  6. ** सागं ना 2 **, Lyrics Swapnild Chatge
  7. ** अबोल भावना मनातल्या **, Lyrics Swapnild Chatge
  8. I am Not Alone, Sandra Feldman
  9. When the flower withers, Leong Ming Loong
  10. चादंण रात, Lyrics Swapnild Chatge
[Hata Bildir]