Ahh Kasi…kuan Poem by jose de claro

Ahh Kasi…kuan

(jose_de_claro)
29nov’06/3: 45pm)

Hindi ko malimot ang araw na iyon.
Alas dos ng hapon sa klase natin no’n.
Isang pangyayari ang doo’y naganap.
Isang binibini, aking nahagilap.

Sa aking nakita, ako’y napahanga.
Pinagmasdan ko sy’a di nagpahalata.
Oh napakaamo nitong kanyang mukha,
Ang kagandahan nya’y tulad sa diwata.

May kung ano, ang sa aki’y umalipin,
Di ko mapigilan ang sa kanya’y tumingin.
Biglang tunog ng orasang nasa akin,
Alas 3 na pala, di ko na pansin.

Ninais ko man na siya’y kilalanin,
Binalawala ko ang aking damdamin.
Pinangunahan man nitong katorpehan,
Di inaasahang ako’y inunahan.

Sa pang yayaring ‘yon di nakatugon.
Ang dugo ko no’n ay tumaas ang presyon.
Kabog sa dibdib ko, pawis sa ‘king noo,
Aking naitanong-bakit ba ganito?

Bat ganon na lang ang nadarama ko?
Ako’y nag tatanong kung bakit ganito
Ako ba’y nahihibang, ako ba’y naloloko?
Tinamaan kaya-palaso ni kupido?

Bakit paligid ko ay biglang nagbago?
Ang dating seryoso, ay napangiti mo.
Malungkot na buhay’y nagkaroon ng kulay,
Nagmumula sa’yo, ang sigla kung taglay.

Pero heto ako, ako’y nanlulumo.
Pag-ibig bang ito’y di malalaman mo?
Habang panahon bang ililihim sa ‘iyo?
Ito’ng nadaramang idinudulot mo.

Hindi ko na kaya itong nadarama.
Nais kong sabihing minamahal kita.
Itong balak ko ay di ko nga lana kaya.
O pls. maria clara, tulungan mo sana.

Di ko man magawang sabihin sa iyo,
Na minamahal kita, higit sa buhay ko.
Aking hinihiling, sana’y iyong dinggin,
Kinatha kong tula, ay iyong basahin.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success