Anu Ba Talaga? Poem by jose de claro

Anu Ba Talaga?



</>(jose_de_claro)
Oct.17,2011/01: 15pm

Kung minsan madalas akong matawa,
Mga banat ko’y magkasalungat pala.
Kausap ko’y malinaw na alang naintindihan,
Pinag-sasabi ko raw eh, alang katuturan.

Internet connection ko’y napakabilis.
Loading lang ng loading, nakakainis.
Anu bang bilis sinasabi mo Joe?
Mabilis bumagal—sabi ko kay Maruvino.

Dine-in tau sa labas, llibre kita.
Pero pag magbabayad na pwede kaw muna?
Eva’ng may adams apple, ayaw mo ba?
Segi, ingat—baka masagasaan ka sana.

Na realize ko, gusto kong mag-artista.
Kaso, di pwede mahiyain ako’ng sobra.
Kaya heto nag Call Center Agent nalang,
Malaki nga sweldo, lagi namang kulang.

May narinig ako, kalbo nagpagupit.
Parang ako lang nilalamig sa init.
Si Jacquelyn Jose, kalma lang kung magalit.
Pulubi sa U.S. may atm card na gamit.

Panu kung mahulog ka ng pataas?
Mag-inuman, di ng redhorse, kundi gatas.
Masarap kaya gawing ulam ang kanin?
Yung Lolo mong bulag sa sinehan ayain.

Malinaw na pinagsasabi ko’y malabo.
‘Nung ibig kong sabihin ‘eh di ko rin matanto.
Kaya dito ko na sisimulang tapusin,
Mga sinulat ko’y wag niyo na lamang pansinin.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success