Walang Tayo Poem by STEVEN FRED JIMENEZ

Walang Tayo

Ako yung taong umibig ngunit muling nabigo
Ang galing ng tadhana no?
Sadyang mapagbiro
Tayong dalawa'y pinagtagpo
Ngunit muli ring pinaglayo.
Pinaglayo dahil hindi tayo nararapat
Hindi pa nga ba sapat?
Lahat binigay ko
Pero anong ginawa mo?
Lahat nang ito sinayang mo.
Hindi mo manlang inisip yung halaga ko
Kahit isang araw lang sana pinadama mo
Sinabi mong MAHAL MO AKO.
Pero bakit ganito?
Pakiramdam ko nag-iisa lang ako
Nag-iisang nagmamahal sa relasyong ito
Ay wala nga palang tayo
Nag-assume lang talaga ko
Bakit naman ksi kung kelan nahulog na ako
Tsaka ka pa naglaho
Nawala na parang walang nangyari
Bakit ganon? Hindi ko mawari.
Alam kong tanga ako
Nahulog ba naman ako sa katulad mo
Akalain mo?
Yung taong pinanakip butas lang ako
Ginawa ko siyang mundo.
Ang galing mo sa mga matatamis at mabubulaklak na salita
Ako naman tong si tanga nagustuhan kang bigla
bakit kasi ako?
Hindi ba't nananahimik ako?
Bigla kang nanggulo
Ginulo mo ang nananahimik kong mundo
Mundo kong hindi naman dapat naikot sayo
Pero ano pa bang magagawa ko?
Nangyari na
May nahulog na...
Sinabi mo saking 'Mahal, mahal kita.'
Hindi ako nagdalawang isip na sabihing 'mahal din kita.'
Nagkamali ako
Siya pa din pala yung mahal mo
Kahit binitawan mo ang katagang yan
Ang hirap paniwalaan
Dahil ako yung nakakasama mo
Pero siya yung nasa puso't isipan mo
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa buhay ko
Ngunit di ko inaasahang ikaw din pala ang magtatangal nito
Kung iisipin ang sakit sakit na
Pero andito pa din ako mahal, inaantay ka.
Kahit alam kong mas lamang ang posibilidad na 'WALA NA.' kaysa sa 'MERON PA.'
Alam kong masaya ka na sa kanya
Ngayon natuto na kong magparaya
Alam mo yung masakit don?
Nagparaya ako kahit alam kong WALANG TAYO.
Nagmomove on ako kahit WALANG TAYO
Iiyak ako kahit WALANG TAYO
Magdradrama ako kahit WALANG TAYO.
Ang sakit no?
Pero yun ang katotohanan
Na kailanman,
Hindi na mabibigyan ng kahulugan
Salamat sa mga araw na pinasaya mo ako
Kahit papano nalibang ako
Alam ko din namang panlibangan lang ako
Pero ngayon natututo na ako
Pinapangako ko sa sarili ko
Hinding-hindi na ko magmamahal ng katulad mo
Ayoko ng maulit pa ang lahat ng sakit na nararamdaman ko
Sana nga kung gaano kadaling iwan ako
Ganun din sana kadaling tanggalin lahat ng sakit na nararamdaman ko para sayo.
Kasi mahal, sobrang sikip
Ang sikip, sikip ng dibdib ako
Nandito padin kasi yung mga sakit na iniwan mo
Alam ko sa sarili kong
Mahahanap ko din yung lalaking magpapasaya sa akin,
Yung tipong wala pang kami
Pero kanya na kong aakinin
Ituturing niya kong prinsesa
Kahit para sayo ako'y isa lamang dukha
Balang araw ipagmamalaki niya ako
Hahawakan niya yung kamay ko sa harap ng maraming tao
Sabay sigaw ng 'Eto yung mahal na mahal ko'
Tsaka niya ko hahalikan sa noo.
Para na din masabi kong
Yung taong ginagawa kong mundo
Ay eto
Yung taong ako din pala ang nagpapaikot ng kanyang mundo
Salamat sa mga aral na iniwan mo
Natauhan na ako
Natauhan sa salitang 'WALANG TAYO...'
Dahil hindi ako nararapat para sayo.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success