Walang Magawa Poem by Sirk Ynnoed

Walang Magawa

Sandyang ganito na lang ba tayo?
Hanggang tingin na lang ba?
Sa isang bagay na alam natin ay abuso na sa ibang mahihinang nilalang.
Disiplina ba ang dahilan?
O dahil ikaw ang mang-ari sa kanya.
Kaya ba, kung pahirapan mo siya ay parang wala na siyang sariling buhay at kalayaan?
Ikaw mga saksi.
Hanggang tingin na lang ba tayo?

Pero, makalipas ng ilang araw,
Sa pag aakalang maliligtas pa ang kanyang buhay.
Ngayon, ni bakas ng tali sa kanyang pagkakagapos ay di ko na maanino.
Kawawag nilalang.
Mukhang dito na lang ang kanyang buhay sa lupa.
Sayang at wala man lang ako nagawa.
Dahil baka sa susunod ay ikaw na ang biktima.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Sirk Ynnoed

Sirk Ynnoed

Valenzuela, Metro Manila
Close
Error Success