Tabula Rasa Poem by haidee blanche

Tabula Rasa

hindi ako pula.
kung dun ka humanga.
matayog masyado.
kapos akong tao.

siguro, i'm more of a believer...
see? lintek. nagta-taglish.
dila din lumilihis.

tapos nang magulat.
what do you think...
ilibing sa ulirat?

ika nga
tabula rasa

naaalala ko tuloy
yung mga mata mong bumilog
tokwa. parang tatalbog :)
palabas. ubas. lagas. limas..
ay lech...

di ko alam kung sinong natakot.
ikaw.
hirap akong mabasa kamo.
o ako.
pareho naman kasi tayong misteryo.

parehong-iba :)
tabula rasa.

pero alam mo,
lagi kitang maaalala.
kasi kahit isa ka lang konyong malupit sa teks (oo, teks. di text.)
dahil sa'yo, naiguguhit ko sa ere
ang mga okrang nagwa-water hockey,
mga sintas na nagsasampay,
pati yung mga pardibleng tumatagay
(ng scotch for that matter, dapat scotch.)

i am not so red...
dei.
pagkatapos ng lahat
hmmm... may naiwan ka pa ba?
gayong kupas pala ang pagka-pula,
hindi na siya rare find kumbaga.

wait lang...
bago tuluyang lahat ay pumanaw,
pangako, babalik din yung enchanted kingdom (tapos nakatiklop) .

March 05,2008

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success