'Buzz. I very well know you don't think too much of me, don't worry.' (what did i say? buzz!)
12: 30
naka-alarm ang telepono
iidlip muna sana ako
nagbago ang isip
kaysa umidlip, magbabasa ng libro
dahil sa paranoia
di maka-sentro sa bawat kataga, bawat pahina,
dahan-dahan, nawalan ng pag-asa
hanggang magpadala ka ng kamusta
di alam kung anong nabuo mo sa tugon
hindi ka abala, yun lang. ganon.
biglay tuloy akong naghanap ng maibabahagi
yung malalim sana,
o sobrang nakakatawa
basta yung hindi nakakahiya
sa nag-iisip gaya niya
ambagal
ambagal ko mag-aral
antagal
antagal ko kasing pinagpaliban
limang ulit ko na ini-snooze ang telepono
pinipilit basahin ang tangang libro
antagal
snooze uli
hindi na pala ako nag-aaral
antagal
di na mapigil, isa pang snooze
tula ulit, dahil di dapat umangal
March 10,2008
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem