Saan Patungo Ang Hangin? Poem by Rey Benipayo

Saan Patungo Ang Hangin?

I

Sa pagtulog kong kay himbing ay may isang bangungot
Isang lalaki na tila pamilyar sa akin natila kilala ko
Ang siya ko parating napapanaginipan, gabi gabi
Parati ko siyang nakikita sa panaginip na nalalakad
Naglalakad sa madilim na lugar, suot ang puting damit
Naglalakad ng nakapaa sa isang danang putikan at ubod ng dilm
Kitang kita ko ang kalungkutan sa kanyang mukha
Maya maya ay huminto siya at lumuhod sa harap ng isang crus na kahoy
Isang crus na kahoy na kanatanim sa lupa na tila may nakalibing
Biglang umulan ng malakas at buha ng itim na tubig sa kinalulihuran niya
At biglang dumugo ang ulo niya... napakaraming dugo.

Gabi gabi na lang akong dinadalaw ng bangungot
Magula nang hiramin ko ang isang lumang aklat,
"A Farewell to Arms" ni Hernest Hemingway ang pamagat,
Sa library sa school namin dahil sa thesis.

Isang araw ay binuklat ko ang libro para basahin
Nadiskubre ko ang isag sulat na nakaipit
May pagkaluma ito, sulat kamay ito ng isang lalaki dito
Humiga ako sa kama ko at binasa ko ito:

Mahal kong kaibigang Belinda,
Patawad kung sa paging magbestfriend natin
Ay iba na ang turing ko sa'yo... higit pa riyan!
Sana kung nababasa mo man ito ay huwag ka aking magalit
Kung hindi lang sana ganito ang sitwasyon mo
Kung matapang sana ako at malakas ang loob
Sana ay itinanan na kita at nagpakalayo tayo
Love na love kita at lahat gagawin ko para sayo.

Alam kong napakalungkot mo ngayon, nadarama ko iyon
Kitang kita ko sa mukha mo kanina nang mag-uusap tayo
Malungkot ka dahil alam mo na ikakasal ka na
Ikakasal ka sa lalaking kailanman ay hindi mo mahal,
Sa lalaking hindi mo pa kilala nang lubos at minsan mo lang nakita
At walang kasiguraduhan kung matatangap ba siya ng puso mo.

Aaminin ko, torpe ako pero natatakot lang naman ako
Natatakot ako na baka masira ang matagal na nating pagkakaibigan
Malayo na ang narating ng pagkakaibigan natin diba?
Gayun pa man, sana ay maging masaya sa makikilala mo... sa papakasalan mo
Lubos na dumaramay sa kalungkutan mo, Renan.

Sa muling pagdalaw ng bangungot kinagabihan,
Naglalakad ako sa isang nakakatakot na lugar
Nakapaa lang akong naglalakad sa putikan
Sa kalayuan ay nakita ko ang isang malaking bahay
Maya maya ay biglang lumindol, sandali lang iyon,
Tila may naramdaman ako sa aking likuran, lumingon ako
Nakita ko ang isang paparating na malaking agos ng tubig
Kulay itim, napakabis ng tumakbo, malalim at puno ng mga inanood na bangka
Nakasabay akong inanod, sa lakas nito ay nalunod ako... bigla akong nagising.

Umaga na pala, ilang oras na lang at papasok na naman ako sa school
Pagbaba ko galing ng kuwarto ay nakahanda na ang kakainin ko
Himalang naroon ang magulang ko, tila ba gusto ako kausapin.

Si Mama kukakain samantalang si Papa ay nagbabasa ng balita sa dyaryo

"Jonard, may especial na pupuntahan tayo sa Sabado
So kung may gagawin ka man, please cancel it.", dikta ni mama.

Hindi na ako nagtanong pa alam kong hindi naman ako puwedeng tumangi
Tumagon na lang ako at kumain nang tahimik.

Ako...ako si Jonard Chan, unikahiho ng isang kilalang negosyante sa Bicol
For once in my life, I've never been happy!
Buong buhay ko ay hindi ako ang nasusunod para sa sarili ko
Kundi sa sila...ang magulang ko, sila ang nagdedesisyo hindi ako!
Alam nila kung anong makabubuti at hindi para sa akin
Buong buhay ko nabuhay akong mag-isa dahil pinipli nila ang makakaibigan ko
Ngayon naman pati pagtibok ng puso ko ay pipiliin pa nila?

Alam kong ito na iyon, magkikita na kami ng babaeng pakakasalan ko
Sadyang mahirap nga talagang tangapin ang ganitong sitwasyon
Na walang kasiguraduhan ang lahat kung matatagap ko ba siya o hindi
Na pakakasal ako sa babaeng ni hindi ko pa nakikita buong buhay ko
Dahil ang puso ay may sariling isip at hindi kailanman nadidiktahan
Wala akong magagawa kung hindi tangapin na lang ang mga mangyayari.

Bakit sila mama at papa nung ikinasal sila, ganito rin naman
Tulad ko rin sila noon na pinilit ipakasal kahit walang kasiguraduhan
Ganito kasi pag negosyante, mayaman at kilala rin sa lipunan.

Magbesfriend ang magulang ko at ng pakakasalan ko kaya gusto nilang kami ang magkatuluyan
Taga-Masbate sila nakatira at paminsan minsan lang silang nagagawi dito sa Legaspi
Naiiintindihan ko sila kahit alam kong mali na, ayoko nang maulit pa ang noon
Balang araw ako lang naman ang magmamana at mamamahala ng mga negosyo namin
Mahal ko sila dahil sila ang pamilya ko kaya kong magsakripisyo para sa kanila
Gayun pa man masama ang loob ko sa kanila, para akong nakakulong sa isang hawla
Kailan kaya ako magiging malaya, Kaila kaya ako magiging masaya?
Bakit nangyayari ito sa buhay ko? Saan hahantong ang lahat ng ito?

II

Hapon bago ako umuwi dumaan muna ako sa library namin para isinauli ang libro.
Pagpasok ko sa library ay nakita ko ang lalaki sa panaginip ko na nasa may bintana.
Mag-isang kaupo sa mesa, malungkot itong nagsusulat ng isang liham sa isang papel.
Pinagmasdan ko ito. Nakita kong may lumapit na isang estudyanteng babae dito
Halos hindi ko makilala ang babae dahil malabo ito sa paningin ko basta mahaba ang buhok,
Nakauniporme ito ng tulad sa akin na business course, payat at matangkad ito
Tila nagulat ang lalaki pagkakita dito at agad na itinago ang sinusulat sa isang pahina ng libro
Naupo ito sa harap ng lalaki at nagkunwaring masaya ang lalaki sa harap ng babae.

Maya- maya ay naramdaman ko na tila ay kumalabit sa balikat ko. Nagulat ako.
Lumingon ako. Si Mam Maita ito, ang maganda, mataba na librarian namin.

"Mr. Chan.", tawag nito sa akin." Magsasara na ako, what can I do with you? "

"I-isasauli ko na po itong librong hiniram ko, Mam. Sorry po kung natagalan."

"Hmmm... finally, marunong ka pa lang magsauli.", biro nito sabay ngiti ng labi.

Pagtingin kong muli, wala na ito.Hinanap ko pa ng tingin pero wala talaga.

"Mam..." "Ano yun, Mr. Chan? " "Aaamm.. puwede po bang magtanong? "

"Sige.", tango nito."Kilala niyo po ba si Renan? ", nahihiyang tanong ko kay Mam Maita.

"Renan Tularba ba, iho? Yan lang kasi ang kilala kong Renan dito." "Opo.", sang-ayon ko.

Pumunta siya sa table niya at may kinuhang picture. Isang picture ng tatlong tao.
Dalawang babae na may napapagitnaan ang isang lalaki nawalang iba kundi si Renan Tularba,
Ang lalaking parating dumadalaw sa panaginip ko. Sinuklaban ako ng takot.

"Iho, matagal nang nawawala si Renan. Kasama siya mga biktima noong kasagsagan ng Bagyong Reming.
Hangang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang katawan niya. Sayang mabuting estudyante pa naman siya.
Limang na taon na rin ang nakakaraan, marahil ay patay na siya."

Nanindig ang mga balahibo ko sa narinig ko. Matinding takot pa ang naramdaman ko.

Kinagabihan ay muli akong binangungot kay Renan
Sa pagkakataong ito ay nasa loob ako ng kanyang katawan, gusto kong kumawala
Kahit anong gawin ko ay hindi ako ay walang nangyari.
Sumasabay ako sa anumang kinikilos niya sa panaginip.

***

November 30,2006, walang pasok magmula elementary hangang college sa buong Albay.
Dahil sa Bagyong Reming na signal number 3 ayon sa balita sa PAGAS
Kahapon pa lang, pagkakita ko sa kalangitan ay dugo ang kulay ng nito, kinilabutan ako.
Natako. Parang may masamang mangyayari na isang trahedya o sakuna
Parang pinipilit ako ng sarili ko na lisanin ang lugar na ito, ang boarding house
Pero saan naman ako pupunta, taga-Masbate ako at ni wala kong kamag-anak dito.
Hindi naman siguro malakas ang bagyo at saka safe naman ang boarding house namin.
Pilit kong kinukumbinse ang sarili ko na walang mangyayari at magiging ok lang.
Ngayon ko lang ito naramdaman sa buong buhay ko, ang kabahan nang sobra.

8: 00 ng umaga, pagtingin ko sa relo ko ay konti pa lang ang patak ng ulan.
Nagkayayaan ang mga lasingero kong kaboardmate, sina Borgie, Roy at Leon.
Na mag-inuman dahil sa mga sandaling ito ay bored na bored na kami sa kuwarto.
Patak patak kami sa inuman pati na rin sa pulutan, sabay kaming lumabas para bumili.
Sa mga sandaling ito, nararamdaman ko parang ito na ang huli naming pagkikita.
Nahihiya naman akong ipaalam sa kanila ang masamang kutob ko, mahirap na baka may masabi.
Napakasaya namin sa mga sandaling ito lalo na nang maginuman na kami.

Maya-maya ay tumawag si Belinda, nangungumusta at tila ba may gustong sabihin.

"...dahan dahan lang sa pag-inom, alalahanin mong may bagyo.", paalala nito.

"Ok... sige.... Bye... bye...bye...", pamamaalam ko sa kanya sabay ngiti.

Tinatamaan na ako sa mga sandaling ito, umiikot na ang paningin ko.

10: 00 na ng umaga nang magsimula nang lumakas pa nang lumakas ang ulan at nagbrown-out.
Mabilis lang ang mga pangyayari, sa kalasingan ay hindi ko na masyadong napansin.
Hindi ko na napansin ang mga kasama ko, nasa may terasa kami ng bahay noon.
Tumaas na ang tubig hangang sa 2nd floor, sa kuwarto namin hanggang 3rd floor.
Lumindol at maya maya ay kinain ng ilog ang malaking boarding house namin.
Namalayan ko na lang nasa labas na ako, inaanod ng malakas na tubig.
Sinubukan kong makawala, sagipin ang sarili ko pero huli na at hindi ko kaya.
Paglingon ko, nakita ko ang pader ng tulay, pumikit ako... sabog ang ulo ko!
Sa lakas ng pagkakatama at hambas nito, halos wala na akong mukha matapos nito
Pumailalim ako sa putik na tubig at tuluyan nang nawalan ng buhay.

***

Napasigaw ako nang malakas. Nagising ako. Panaginip lang pala. Parang totoo ang lahat.
Kinapa ko ang ulo ko pati mukha. Maayos naman ito at ni walang sugat.
Pero ang buo kong katawan ay halos maligo sa pawis. Pawis na pawis ako.
Bago pa man ako pumasok sa school ay dumaan ako sa lugar sa panaginip ko.
Disyerto na ito at ni walang bahay na nakatayo tanging naglalakihang damo
At mga sirang mga kabahayan at tubig ilog ang makikita na lang dito.
Malawak na ang ilog...Yawa River halos pumapantay na sa lupa ang daluyan nito

Nagsindi ako ng kandila at nagdasal."Matahimik nawa ang mga kaluluwa
Ng sinumang pumanaw sa lugar na ito." Nanalangin pa ako nang taimtim.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng isang malamig na hangin na dumaan.
Nakita ko si Borgie, Leon at Roy. Nakalutang sa hangin, sa gitna ng ilog, nakangiti.
Ni hindi ko nakita si Renan. Tila ba nagpapaalam ito at kumakaway ito sa akin.
Nakasuot ang mga ito ng kulay puting damit at nakapaa lang sila
Unti- unti silang naglaho sa ere, sa pagkawala nila ay humagin sa kinatatayuan ko
Ngayon ay tila ba nawala ang matinding takot na nararamdam ko ilang araw na.

III

Kinagabihan, akala ko tapos na pero hindi pa pala, muli na naman akong binangungot.
Nasa isang madilim na lugar daw ako at kaharap ang salamin na maliwanag.
Hindi ko nakikita ang repleksyon ng sarili ko kundi si Renan na ginagaya ang kilos ko.
Pati damit ko na blue na padyama ay suot suot niya, nakapaa din siya.
Sinubukan kong hawakan ang salamin, tubig lang pala ito biglang may humablot sa kamay ko!
Isang maitim na kamay na galing sa likod ng salamin! Hindi ako makakilos!
Hinihila ako nito papasok sa salamin. Sinubukan kong makawala.
Pero sobrang lakas nito. Hindi ko ito kaya. Unti-unti akong nalalagutan ng hininga.
Ang puso ko, sobrang kaba, palakas nang palakas ang pintig. Labdab... labdab... labdab! ! !
Ibinuka ko ang bibig ko, sumigaw nang malakas hangang sa magising.

Pagising ko, nakatulog na pala ako sa study table sa kuwarto ko.
Tinulugan ko na pala ang pinag-aaralan ko. Exam kasi bukas.
Inayos ko ito para matulog sa kama. Hinanap ko ang itim na ballpen ko.
Nahulog na pala ito sa ibaba ng study table ko. Kinuha ko ito.
Pero kusa itong gumalaw pailalim ng study table. Kinilabutan ako.
Nang makapasok ito sa ilalim sinubukan kong kunin ito kahit takot ako.
Pumatong ito sa isang papel na nakapa ko. Agad ko itong kinuha.
Litraro ito ng isang dalaga. Naka-full body at colored picture ito.

May pagkaluma na ang picture. Ayos pa ito kahit may konting gasgas.
Nakasuot ng unipormeng pang high school ang babae at nakangiti ito.
Solo lang siya sa picture na ang background ay dagat sa Rawis.
Sa likod nito ay may nakasulat, sulat kamay ng isang babae ito.

"Jonard, I will always remember the first time I meet you.
All these time, I never regret loving someone like you
I will never forget you. I love you with all my heart ang soul. Love Chai"

Naalala ko na ang babaeng ito. Sa mga sandaling nakaramdam ako ng matinding kalungkutan.
Pumikit ako inisip ko siya. Muling nanumbalik ang mga ala-ala ng kahapon.

***

Minsan, may isang lalaking ubod ng sama. May pagkatarantado at siga sa buong school.
Sobrang yabang at sobrang ring tapang. Akala niya siya ang hari ng mundo.
Pero sa likod pala nito ay may itinatago siyang matinding kalungkutan.
Sobrang hina pala niya. Nag-iisa lang siya sa mundo dahil andaming galit sa kanya.
Kahit na nga nasusunod ang anumang luho at layaw niya dahil solong anak lang siya.
Para bang may kulang sa kanya... sa buhay... sa sarili niya na hinanap niya.
Siguro pagmamahal at atensyon ng isang kapatid na hindi niya naramdaman.
Dahil delikado nang manganak ang kanyang ina dahil may sakit ito sa matres.
Hangad niyang tunay na atensyon ng kanyang magulang kaya naging troublemaker siya.
Sa school na pagmamay-ari ng magulang niya kung saan siya nag-aaral.

Parati siyang napapatawag sa Principal's Office dahil sa pambubully niya.
Parati naman napapatawag ang magulang niya na hindi naman dumarating.
Kundi ang Yaya Uding niya ang umaasikaso nito at sinasabi na lang sa magulang niya.
Maya maya ay pinapalo at pinapagalitan siya nito. Magmula nang isilang siya.
Sa mundong ito ay hindi niya kailanman naramdamang mahal siya ng magulang niya.
Ni hindi niya nakikitang magkasundo ito at araw- araw na lang itong nagbabangayan.
Ni hindi sila nagbobonding o mag-outing bilang pamilya dahil busy sila parati.

Isang araw ay dumating ang isang batang babae. Kapitbahay lang nila ito.
Si Christina Servio o Chai na anak ng sikat na artistang si Veronica Constantino.
Tulad niya solong anak lang ito. Minsan lang sila nagkikita ng kanyang ina.
Busy ito sa kaliwa't kanang pelikula at parati itong nalalagi sa Manila.
Hiwalay sa asawa ang nanay nito. Hindi kasi sila nagkasundo ng dati nitong asawa.
Si Ivan Dela Cruz na isang sikat na action star ang tatay nito. May ibang pamilya na.
Minsan din silang magkita nito dahil sa dami ng ginagawa at hectic ang schedule.
Naging matalik silang magkaibigan hangang sa pagbibinata at pagdadalaga nila.

Nang high school sila, niligawan niya ito at naging sila hangang 2nd year high school.
Naghiwalay rin sila dahil kinailangang lumipat ng babae sa Manila para duon mag-aral.
Para duon mas lalong magfocus ito sa pag-aartista na tulad ng kanyang ina.
Sa pag-alis niya ay may iniwan siyang pangako sa lalaki. Isang sumpang pangako!
Na kailanman ay hindi magbabago ang pagtingin nito sa lalaki.
Na darating ang araw ay magkikita silang muli at pakakasal sila.
Nangako ang lalaki na maghihintay siya sa babae kahit anong mangyari.

Lumipas ang mga araw, nakagraduate ng high school si lalaki, sikat nang artista si babae.
Pero ang pangako ng pagsinta ay napako. Nagpakasal ang babae sa ka-loveteam niya.
Si Karl Samaniego na sikat na artista, heartthrob ng bayan. Mayaman, guwapo at matso.
Andaming nagkakandarapang babae o maging bakla dito dahil sa matinding sex appeal.
Kaloveteam siya ni Chai sa napakaraming pelikula at mga teleserye. Sikat na sikat sila.

Sa araw ng kasal nito ay nakatangap siya ng isang picture nito nung sila nung high school.
Labis na kinalungkot ng lalaki ang pagpapakasal ng babae at pagkasira ng pangako nito.
Minsa'y ninais niyang magpakamatay, ninais niyang sundin na lang ang magulang niya
Na pakasalan ang babaeng nirereto sa kanya nito para makaganti sa babae.
Pero pinigilan niya ang sarili niya. Ninais na lang niyang magpakalayo layo at hanapin ang sarili.
Kahit labag ito sa kagustuhan ng kanyang magulang at hindi siya nito mapapatawad.

Tingnan mo nga't nabiro ang tadhana at nagkita silang muli sa Manila.
Limang araw matapos siyang maglayas sa Bicol. Aksidente ang pagkikita nila.
Sa isang restaurant sa isang mall. Nang una ay nagalit ang lalaki sa babae.
Pero nang malaman nitong labag pala sa loob nito ang mga nangyari ay pinatawad niya ito.
Kailanman ay hindi nito minamahal ang asawa dahil pinilit lang siya ng ina niya.
Dahil ayaw nito kay Jonard dahil may hidwaan ito ng magulang nito.
Na naging dahilan para umalis sila sa Bicol at tuluyung mamuhay sa Manila.
Nasaktan ang lalaki nang sabihin ng babae na parati siyang sinasaktan ng asawa.
Ipinakita nito ang mga sariwang pasa nito. Seloso kasi ang napangasawa nito.
Parati nitong iniisip na may ibang lalaki si Chai at pinagtataksil siya.
Galit na galit ang lalaki kay Karl. Naawa siya dito at niya mapatawad ang sarili.
Gusto sanang suguri ng lalaki ito pero pinigilan siya ng babae.

Sa mga sandali ng kanilang pag-uusap napagtanto nila na mahal pa nila ang isa't isa.
Na itinadhana sila. Na handa na nilang ipaglaban ang pagibig nila anumang manayari.
Isang araw ay nagkita silang muli. Nagusap na magpapakalayo sila.
Magbabagong bahay sa ibang lugar na walang nakakakilala sa kanila.
Dun ay bubuo sila ng isang pamilya kahit hindi man sila ikasal sa simbahan.
Handa ang babae na layasan ang asawa nito para kay Jonard, handa niyang tagapin.
Kahit ng kahit anumang sabihin sa kanya ng tao. Tatangapin niya kahit masakit.
Gusto lang niyang makawala sa tarantadong asawa na bayolente at masamang tao.

Isang gabi, natuloy ang plano nila. Pero hindi nila alam ay sinundan pala sila ni Karl.
Nakaroon ng habulan ng kotse na minamaneho nilang pareho.
Pinagbabaril ni Karl ang kotse ni Jonard na kasama si Chai.
Malapit na sila sa Bicol nang mawalan ito ng preno at bumanga sa isang pader.
Nandilim na ang paningin ni Jonard. Huling nakita niya ay nakahawak sa kamay niya
Ang duguang kamay ng katabi na si Chai na basag ang mukha at wala nang buhay.

***

Sa muli kong pagtulog ay nanaginip na naman ako. Nasa isang madilim na sementeryo daw ako.
Hating gabi pagtingin ko sa relo ko. Nasa harap ako ng pinaglibingan kay Chai na nasa kinatatayuan ko.
Nang biglang gumalaw ang lupa at bumangon ang naaagnas nang bangkay na nakalibingin dito.
Pinilit kong tumakbo pero hindi ako makatakbo. Nabihag ako ng malagim na kapangyarihan ni Chai.

"Jonard.... Jonard.... Jonard...", paulit ulit nitong sabi na tila paos na habang palapit ito nang palapit sa akin.

At nang makalapit ito ay hinawakan ng nakakadiri at namamahong kamay nito ang ulo ko.
Tila hinihigop nito ang isang henerhiya sa buo kong katawan at biglang sumakit ang ulo ko.
Malakas ito halos mamatay ako sa sobrang sakit. Maya maya ay napapikit ako sa sakit.

Sumigaw ako nang malakas at dinig na dinig sa buong paligid, "Aaaaaaaahhhhhhhhh! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! "

Nakita ko ang mga pangyayari ng kahapon sa isip ko... mga panyayari na hindi ko alam...

"Tama na! Ayo ko na! Pagod na pagod na ako ma. I am sorry but I have to do this. Goodbye! ",
Ang sabi ko kay mama pagkasakay ko sa kotse na pilit akong pinipigilan. Pinaandar ko na ang kotse.

Galit na galit ito sa paglalayas ko. "You'll regret this... Tandaan mo yan! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ", sigaw nito pagkaalis ko.

Biglang nagkulay puti ang lahat at nakita ko si Chai. Umiiyak sa gilid ng bahay nila binababoy ni Ivan.
Nakadroga ito. Ayaw kasi nitong makisiping sa asawa. Diring diri si Chai sa ginagawa sa kanya.
Umiyak ito pagalis ng lalaki na nanigarilyo na lang sa labas ng kuwarto nila.Tila nagsisi ito sa pagpapakasal dito.

Kinabukasan, habang tulog ang asawa ay umalis itong hindi nagpapaalam. Pumunta sa malayo.
Sa panahong ito ay hindi na sikat na artista si Chai. Nalaos na siya at tanging si Ivan na lang ang nag-aartista
Magoorder na sana siya sa isang restaurant nang makita niya akong papalabas. Hinabol niya ako.

"Chai? ", pagkabigla ko sa unang pagkakita ko sa kanya. Halos iba na ang hitsura niya ngayon. Payat na.

Ang dating masayahing mukha nito ay napalitan ng matinding kalungkutan. Halos hindi ko na siya makilala.
Naupo kami sa kung saan siya nakapuwesto. Nagusap at may maya ay muntik na akong magwalkout.
Hinawakan niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang katotohanan.

"Hindi kayo bagay ni Jonard Chan! Kaya nga kita pinawi dito sa Manila para layuan mo ang lalaki na yan! ",

Ang sumbat ni Veronica sa kanyang anak habang paalis na sana to ng bahay. Lalayas sana ito.

" Ano namang masama ma kung nagmamahalan kami? Wala diba? ! ", sumabat nito sa ina.

"Masama dahil magkapatid kayo! ", halos mang-iyak iyak nitong sinabi ang katotohanan sa anak.

Nabigla si Chai sa nadinig. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng ina. Nahinto siya at natulala.

" Naging kami ni Antonio Chan at ikaw ang naging bunga nag pagmamahalan namin.
Hindi totoong tatay mo si Ivan dela Cruz dahil bakla yun. Ginawa ko lang yun panakip.
Kaibigan ko si Ivan at ayaw kong masira ang image niya sa publiko kaya ko nagawa iyon."

Umiyak si Chai. Hindi siya makapaniwalas sinabi ng ina. Umalis siya palabas at nag-isip isip.
Sa mga sandaling ito ay pinili na lang niyang pakasalan si Karl kahit ayaw niya rito.

Iba ang dinahilan niya kay Jonard. Idinahilan niya na dahil sa pera kaya siya nagpakasal kay Karl.
Nagsorry siya dito at agad niyang binaling ang topic sa pananakit sa kanya ng asawa niya.
Isang araw ay tinext niya ito na magkita kami sa dati... sa restaurant kung saan nagkitang muli.
Nagusap sila. Maya maya pa ay napagusapan namin na magpapakalayulayu kami. Magbabagong buhay.

" Mamayang gabi, makita tayo dito misyo.", ang sabi ni Chai.Tumango si Jonard sa sinabi.

Natuloy nga kinagabihan ang plano. Pero ang hindi nila alam ay nasundan sila ni Karl.
Pinagbabaril ang sinasakyan nila at nabungo ito sa isang pader. Pagkatapos ay nagbaril ito sa sarili.

Nagkulay puti ang lahat sa paningin ko at nakita ko na pagkaalis ni Chai ay gumising si Karl at sinundan ito.
Sa labas ng restaurant ay nagmamatyag pala ito sa kanila at akala ni Chai ay wala ang asawa niya nang gabing yun,
Nasa labas pala ito at pinapakagat lang sa pain nito. Nakita kung paano kami habulin at pagbabarilin nito.
Nakita ko ang pagpakamatay nito na na ilang distansya lang sa kotse ko. Isinubo ang baril sa bibig at ipinutok.

Nakita ko na nasa ospital ako nag-aagaw buhay. Patay na si Chai pagdating sa ospital. Nakita ko ito.
Nakatayo malapit sa higaan ko kung saan pinagkakaguluhan ako ng mga stuff ng ospital noon.
Nakita ko ang magulang ko sa unang pagkakita sa akin na comatose at nakahiga sa isang kuwarto na umiiiyak.
Nakita ko ang isang liwanag na hindi ko maipaliwanag. Kulay puti at nakakasilaw.
Maya maya ay nagkulay itim ang lahat ng nakikita ko. Nakita ko sa hangin ang repleksyon ko.
Kulay puti ito. Nakatayo at tinatangay ng hangin. Pagdaan nito sa akin ay ngumiti ito. Isang masayang ngiti.

"....ahhhh! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ", sigaw ko. Muli akong nagbalik sa dati, sa sementeryo. Naramdaman ko ang kamay ni Chai.

Unti-unti itong nanghina at bumitaw sa pagkakahawak sa akin. Umihip ang hangin nang malakas na malakas.
At unti-unti itong naging abo at tinangay ng malakas na hangin sa kung saan. Biglang nawala ang takot ko.
Nalungkot ako.Ngayon magisa na lang ako sa sementeryo. Pumikit ako at nagising ako. Umaga na pala.

IV

Sabado ngayon. Ngayon ang pagkikita naming ng babaeng mapapangasawa ko.
Hindi ko pa siya kilala o nakita man lang. Ngayon ang una naming pagtatagpo.
Nasa sala kami ngayon kasama ang magulang ko. Inaantay namin ang pagdating nila.
Naiintindihan ko na ang lahat. Handan na ako. Hindi na ako natatakot.
Kagabi, hindi na ako dinadalaw ng bangungot. Mahimbing ang tulog ko kagabi.
Tuluyan nang nanahimik ang mga multo ng kahapon.Ngayon, handa ko nang harapin ang anumang bukas.
Wala na akong pakialam sa kahit anumang kahinatnan ng lahat. Matapang na ako!

Maya maya ay dumating na rin sila." Kumare! ", beso beso ng mama ko sa mama ng babae.

"Kumpare! ! ! ", bati ni papa sa ama ng babae. May pasalubong itong isang mamahaling alak.

Nasa likod lang nila ang babaeng pakakasalan ko. Iba ang pakiramdam ko sa mga sandaling ito.
Nakita ko na rin ito. Mataba ito. Kayumangi. May kahabaan ang buhok at maganda kung manumit.

"Jonard, I want you to meet Beactrice, you're future wife.", pakilala ng ina nito.

Kinamayan ko ito.Tila may kakaibang pakiramdam akong naramdaman pagkakamay ko dito.
Sa mukha nito, kitang kita ko ang matindi nitong kalungkutan. Tila may matindi itong pinagdaraanan.
Tila ba pamilyar siya sa akin. Sinasabi ng puso ko na nagkita na kami noon pa.
Para bang naging bahagi siya ng nakaraan ko. Tinitigan ko siya sa malakristal niyang mata.
Pansamantalang huminto ang oras. At tila nabasa ko ang kanyang pinagdaraanan.

***

"Ano ba Jonard, tama na! Maawa ka naman sa kanya! ", pagtatangol ni Beatrice sa batang lalaki.

Na andumi dumi na. Na kanina pa binubully ni Jonard. Binitiwan na siya ni Jonard.
Ang batang ito ay walang iba kundi si Renan. Umiyak ito. Punung puno na nga lupa ang uniporme.
Lumapit ang batang Beatrice. Hinawakan ang kamay nito. Ngumiti it okay Renan.

" Bata, halika at isususmbong natin siya kay Ms. Haide.", yaya nito. Lumakad na sila papunta kay Ms. Heide.

Dito nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Kinabukasan nagpasalamat ang batang Renan kay Beatrice.

"Ano nga palang name mo? ", tanong nito pagkatapos magpasalamat habang recess.

"Maria Beatrice Erlinda Delosa Santos", masayang sagot nito. Napakunot ng ulo si Renan.

"Ang haba naman ng name mo.", nagisip ito."Hmm...puwede Belinda na lang? "

"Sige! ", masayang sagot nito habang ito naglalaro. Magmula noon ay Belinda na ang tawag niya dito.

Siya lang ang tumatawag ng ganitong pangalan sa babae. Pero pagnagkakatampuhan sila
Ay sa buong pangalan niya ito tinatawag. Si Belinda naman ay Friends ang tawag sa kanya.
Dahil sa pambubully ni Jonard ay lumipat ng school si Renan sa Masbate, kung saan siya ipinanganak.
Sumunod naman si Belinda. Naging magclassmate sila. Lumipas ang mga taon.
At maging sa paglaki nila ay nanatili ang pagkakaibigan nila. Hangang sa dumating ang araw
Narealize nila na higit pa pala sa pagkakaibigan ang nararamdaman nila sa isa't isa.
Sa halip na sabihin nila ito sa isa't isa ay minabuti na lang nilang ilihim ito.

College na sila ngayon. Sabay silang nagaaral sa iisang paaralan sa Albay. Magkaiba nga lang ang kurso.
Si Renan ay nursing samantalang si Belinda ay Bussiness course na gusto ng kanyang magulang.
Isang araw ay dumalaw sa school ang kanyang mama. Napansin nito ang pagkaclose nito kay Belinda.

"Anak, may namamagitan basa inyo ng Mr. Tularba na yan? ", tanong nito

"W-wala po Mama.", tangi nito. "Good." "Bakit po mama? ", usisa nito.

"Dahil hindi siya ang lalaking para sa'yo. Dahil hindi kayo bagay. Ikakasal kay Jonard Chan."

Nabigla siya sa sinabi ng ina."Ano pa Mama? ! ", pagkabiglang tanong nito.

"Si Jonard Chan ang lalaking para sayo... ang pakakasalan mo so layuan siya habang maaga pa."

Sa sinabing iyon ng ina ay labis siyang nalungkot. Gusto man niyang sabihin kay Renan.
Na mahal niya ito at ito ang gusto niyang makasama habang buhay. Na magpakalayo na sila.
Pero baka hindi ito magustuhan ni Renan at masira ang matagal na nilang pagkakaibigan.

"O, bakit ang lungot ng Belinda ko? ", pabiro nitong tanong nang makita si Belinda sa library.

Umupo ito. Umiyak."Friend, sabi ni Mama kanina, ikakasal daw ako", sabi nitong umiiyak.

"A basta. Sa lalaking hindi ko pa nakikita at nakikilala. Huhuhu...."Lumapit si Renan. Pinataha ito.

Sa sinabing iyon ni Belinda ay labis na nalungkot si Renan. Hindi rin siya makapaniwala.
Kung puwede lang na sabihin dito ang tunay na nararamdaman ng kanyang puso ay sasabihan niya.
Pero naiisip niyang ayaw niyang masira ang matagal na nilang pinagsamahan.
Isang hapon pumunta si Belinda sa library na tambayan nila ni Belinda sa school.
Sa may kalayuaan ay nakita niya itong malungkot at may isinusulat na tila isang liham.
Lumapit siya sa mesa nito na malait sa bintana. Napansin niya tila nagkuwari itong masaya.
At agad na may isinuksok sa isang pahina ng aklat. Naupo ito sa harap niya. Maya maya...

"Mr.Tularba", tawag ni Mam Maita na handa nang magpapapicture para sa Outstanding Students.

"Sandali at magpapapicture muna ako.", sabi nito. Tumago lang ang malungko na si Belinda.

Pagalis nito ay pasimple nitong kinuha ang liham na sinusulat nito. Binasa niya ito.

"...Lubos na dumaramay sa kalungkutan mo, Renan." Nalungkot siya pagkabasa sa lihim.

May lihim pa lang pagtin sa kanya si Renan. Masaya sana malungkot sa mga sandaling ito.
Maya maya ay napansin niyang papabalik na si Renan. Nagmadali siya.
Agad niyang ibinalik sa dati ang libro at inipit sa libro ang sulat. Nagkunwari siyang walang nabasa.

Pagbalik ni Renan ay agad niyang isinauli sa kay Ms. Maita ng libro. "Heto hinahanap mo Mam. Thank you po."

Sa araw ay na tumama ang Bagyong Reming napaisip siya na tawagan ang kaibigan.

"Hello Friend, kamusta ka dyan? ", pangungumusta nito na tila may pakiramdam siyang kakaiba.

Gusto na sana niyang sabihin dito na mahal na mahal niya ito. Na handa niyang talikuran ang lahat maging sila lang.
Gusto na niyang sabihin na nabasa niya ang sinulat nito noong isang araw. Na hindi siya magagalit.
Ayos lang sa kanya. Dahil siya ang gusto niyang makasama habang buhay at maging sa kabilang buhay.

Pero pinigilan niya ang sarili niya. Sa halip ay, "Ingat na lang...bye", sinarado na niya ang cellphone.

Sa mga sandaling iyon ay tila hindi siya mapalagay. Pakiramdam niya ay may manyayaring masama sa kaibigan.
Kinabukasan ay sinubukan niyang tawagan ito. Hindi na io sumasagot. Out-of-coverage-area na ito.
Labis na nadagdagan pa ang pagaaalala niya nang makarinig pa siya ng samu't saring balita tungkol sa pinsala ng Reming.

Ilang araw pa ang lumipas at pinuntahan niya ang boarding house nito.
Wala na to at burado na sa mapa.Tanging tubig at graba at mga sirang bahay ang makikita dito.
Labis na kalungkutan ang maramdaman niya pagpunta niya dito.Nagsisi siya. Umiyak.

"Friend, kung nasaan ka man ngayon. Mahal na mahal kita. Sa noon ko pa nalaman.
Kung alam ko lang di sana ay tinalikuran ko na lang ang kagustuhan ng magulang ko. Sana naging tayo.
Sana ngayon ipinaglalaban kita... ang pagibig natin. Inaamin kong nagsisisi ako na hindi ako nagtapat.
Alam kong nasa paligid ka lang. Magmula ngayon, magiging matatag ako dahil sa'yo.
Kung nasaan ka man ngayon, hahanapin kita. Nararamdaman kong buhay ka pa. Hindi ako titigil sa paghahanap sa'yo.
Pangako, pagnahanap kita...Hindi na ako magiging duwag. Ako na mismo angf magtatapat sa'yo
At mamahalin na kita at hindi na kita pakakawalan. Dahil sayo lang ako masaya...pangako.",
Ang sabi niya sa isip, isang hapon pagpunta niya sa lugar iyo. Umiyak siya pagkatapos.
At isang hangin ang umihip sinundan niya ito ng tingin. Papunta ito sa direksyon papuntang dagat.

Limang taong comatose si Jonard dahil sa aksidente. Ayaw nang bumalik nito sa katawan niya.
Pinili na lang nitong makasama si Chai. Wala siyang alam na kapatid niya ito. Ni hindi sinabi ni Chai.
Ang katotohan sa kanilang tunay pagkatao. Mahal na mahal niya ito kahit sino pa ito.

Nang araw na nag-aagaw buhay na si Jonard ay iyon ang araw na nasa lugar ng kawalan si Renan.
Naglalakad siya noon sa lugar ng mga kaluluwa. Hindi pa siya nakakarating sa langit.
Isang disyerto lugarito. Walang ibang makikita kung hindi ang mga namatay na at agaw buhay.
Naglalakad siya nang isang hakbang lang ay nahulog siya sa isang kumunoy. Kinain siya nito.
Pagising niya ay nasa ospital na siya. Pinagtutulungan siyang ireve ng mga doctor.
Sa may pintuan, naroon ang kaluluwa ni Jonard, ang madalas mambully sa kanya nuong bata pa siya.
Nakakulay puting damit ito. Masayang nakatingin sa kanya. Maya maya ay unti unti itong naglaho.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Pagising niya ay nasa katawan ni Jonard na siya.

Kahapon ay nagpakita sa kanya ang dalawa, si Jonard at Chai magkasama sa campus.
Parehas nakaputing damit. Masayang magkahawak kamay. Sa mga sandaling iyon ay namamaalam na ito.
Naramdaman ni Renan ang labis na kasiyahan na bibigyan siya ng ikalawang buhay,
Ikalawang pagkakataon para itama ang mali. Lubos ang pagpapasalamat niya kay Jonard.
Bago ito tuluyang naglaho ay kinawayan niya ito kasama na ang isang masayang ngiti.

***

"Ikaw nga Belinda... ikaw nga! ! ! ", halos hindi ako makaniwala. Tumaba na siya, gayunman, maganda pa rin siya.

Kung alam mo lang Belinda. Ako ito si Renan Tularba sa katawan nga lang ni Jonard.

Paano ko ba sasabihin sayo ang lahat ng ito? Gusto kong mawala na ang lungkot mo.

"Let's go. May hinanda akong masarap na pagkain sa inyo sa dining room.", yaya ni Mama.

" Belinda...", ang sabi ko. Tapos ay bumitiw ako ng tingin sa kanya. Nabigla siya. Tumingin siya sa akin.

Biglang nawala ang lungkot sa mga mata nito at sumigla ito. Tila ba alam niyang ako ito.
Ako lang at walang iba ang tumatawag sa kanya ng ganon. Ngumiti siya. Hindi na siya nagsalita.
Nagtinginan kami sa mata at marahan niyang iniabot ang kanang kamay niya.
Hinawakan ang kaliwa kong kamay. Magkahawak kamay kaming pumunta sa dinning area.

THE END.

Monday, November 26, 2018
Topic(s) of this poem: reincarnation,spirit,horror,love,mystery
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
This story is dedicated to all the victims of Storm Reming.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success