Salamin Poem by Rey Benipayo

Salamin



O pulitiko,
Mga manloloko
Kaliwa’t kanan
Likuran, harapan
Isa, dalawa…
Lahat masama
Mga taksil
Mga mangingitil
Di makatao
Mapagbalatkayo
Sa midya
Sa madla!

O madla,
Mga tanga
Harap harapan,
Nagbubulagbulagan
Nagkakampkampihan,
Nag-aawayan
Nagpapaapi
Dahil sa salapi
Mga gago
Kaya naloloko
Kahit sinuman
Maging may pinagaralan!

COMMENTS OF THE POEM
Paul Pruel 09 August 2008

Napapanahon itong tula mo. Parang pamilyar sa akin ang name mo. Sige tuloy lang at magtulong tayong iwagayway ang salitang Pinoy sa buong mundo...

0 0 Reply
Aldrich Angeles 09 February 2008

Astig ser! ! bravo.................

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success