sa tuwing naaalala ko ang nakalipas,
ang mga luha sa aking mga mata ay pumapatak.
tuloy-tuloy ang pagluha,
walang tigil sa pagpatak
.walang tigil sa paghagulhol
sa mga problemang d na matapos-tapos.
mga luhang d na mapigilang ilabas,
ay bumabagsak na.
tila ba kay bigat bigat ng kalooban.
nghahanap ng masasandalan,
ngunit walang maikita ni isa man.
mabigat na kalooba'y,
pilit pinapagaan sa pamamagitan
ng pag-asang magiging ayos din ang lahat.
ngunit lahat ng paghihirap ay parang balewala.
mga binuong masasayang ala-ala ay biglang nawala.
parang pinatay ang aking kalooban,
sa sakit na aking nararamdaman.
ako ay naghahanap lamang ng kasiyahan,
ngunit ang napala ay mas masahol na kalungkutan.
tila ba lahat ng pinaghirapanay naitapon na lamang.
hindi nawalan ng lakas ng loob na bumangon,
ngunit sa pagbangon ay laging nadadapa parin.
ngaun ay kailangan ng harapin ang katotohanan,
ang katotohanan na ang lahat ng ito
ay sa pangarap nlng matatagpuan.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem