pinili kitang unawain,
pinili kong pakinggan ang iyong mga hinaing,
pinili kong damayan ka, dahil nasaktan ka.
pinili kong gawin lahat ng yon dahil mahal kita.
ngunit ngayo'y ang puso ko ay nasasaktan na,
dahil ang mahal mo ay sya pa.
tama na ang minsa'y naging tanga,
umasa sa pagmamahal ng iba.
hindi nakikita ang mga bagay na nandiyan na.
pinilit kitang kalimutan,
kahit na minahal na kita ng sobra.
pinilit kitang kalimutan,
kahit na gusto pa ng puso ko na alalalahanin ka.
gusto ko nang ika'y kalimutan,
dahil ang puso ko'y nasasaktan at sugatan na.
lagi kong tanong sa aking sarili
bakit pa tumibok pa ang puso ko para sa isang katulad mo?
kung alam kong masasaktan lng ako ng ganito.
ayokong umasang mamahalin mo rin ako,
pero sana pag dumating ang panahon
na natutunan mo na akong mahalin,
ay ganun parin ang nararamdaman ng puso ko para sayo.
dahil mahirap umasa at maghintay sa pagmamahal mo.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem