Sa Pagtanda Natin Poem by Rey Benipayo

Sa Pagtanda Natin

Rating: 5.0

Darating ang araw ay tatanda rin tayo
Sa tuwing magkikita tayo, siguradong sigurado
Magkukuwentuhan tayo nang matagal
Babalikan natin ang mga alaala ng nakaraan
Masarap na alaala ng kahapon
Tapos mababangit mo ang mga tao
Na dumating at umalis sa buhay natin
Maiiyak tayo tapos tatawang bigla
Aabutin tayo nang maghapon sa kuwentuhan
Sana lang hindi ka mawala sa buhay ko
Maging magbestfriend sana tayo
Hangang sa pagtanda natin, hangang sa huling hinga natin
Ngayon pa lang, ang balak kong gawin
Ay gagawa ako, tayo ng maraming alaala
Kahit pa masaya, malungkot o nakakahiya iyon
Para sa pag tanda nating dalawa
Ay mahaba haba ang kuwentuhan natin.

Sunday, November 18, 2018
Topic(s) of this poem: best friend,memories,old
COMMENTS OF THE POEM
Bernard F. Asuncion 19 November 2018

Kuya Rey, nakaka-touch ang tula mong ito....10+++++++++++++++

0 0 Reply
Rey Benipayo 23 November 2018

Thank you po.

0 0
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Rey Benipayo

Rey Benipayo

Ligao City, Philippines
Close
Error Success