Pusong Paslit Poem by Joshwin Artedes

Pusong Paslit

Rating: 2.7


Nagsimula sa Paghanga hanggang nagustuhan
Nag-umpisa sa pagtibok Pag-ibig natuklasan
Nagtapat sa sininta damdamin pinaglaban
Nakamit ang inaasam saya'y walang hanggan.

Sa pag-ikot ng mundo bawat segundo nilasap
Daigdig ay nagbabago sa tuwing sya'y kausap
Ligayang hatid daig pa ang mga ibon sa ulap
Pusong paslit nakadama ng ibayong sarap.

Inakalang ang saya'y di na matatapos
Nang si tadhana nagbiro at ito'y ginapos
Sa tindi ng higpit ang hininga ay kinapos
Naipong lakas di sapat para makahulagpos.

Nang maiwang mag-isa kalungkutan sumalakay
Sakit, luha't pagkamuhi bumalot sa kanyang malay
Takot pighati tangan tangan ng mga kamay
Buhay na nawalan ng kulay mabuti pang mamatay

Paano nga ba umahon sa sakit na naramdaman?
Para sa isang pusong di sapat ang kaalaman
Paslit na puso na tanging hangad lamang ay kaligayahan
Bakit nakatikim kaagad ng matinding kasawian.

Sa Langit dumalangin tulong tangi nyang sambit
Pag-ibig na walang maliw nais ang pumalit
Galit na nakakubli panahon na para iwaglit
Ang kapatawaran naway ito ang pumalit

Kaibigan at pamilya sumaklolo sa abang sugatan
Hanggang sa naghilom ang sugat ng kahapon
Natitirang pagtibok sa sarili inilaan
Luha'y naglaho tapang nabuo't natagpuan.

Ang oras ay lumipas, araw ay nagdaan
Unti-unti nabaon ang lupit ng nakaraan
Sa pagkadapa'y bumangon, lakad ay marahan
Hinanap ang mundong sa puso lamang nakalaan.

Natisod man sa una ito'y di nauwi sa sisi
Sa halip pag-asa ang sumibol at humalili
Natutuhang aral na 'Di pa ito ang huli'
Bagong kabanata handang simulang muli.

Sa muling pagising isang ngiti ang naghihintay
Tunay na pag-ibig ang sumilip at sumilay
Sa pagdungaw damadamin umalab ng tunay
Ligayang walang patid ang regalong ibinigay.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success