Pagninilay Poem by Lady Lory Ann Rabaca

Pagninilay

isipa'y nakakanlung sa kalawakan,
hindi matutop ang kaibuturan,
sadyang napakalawak ng sinasaklawan,
di' malaman kung paano tatakasan,
 
Ang buhay ang aking tinuturingan,
parang larong walang palatuntunan,
mahirap magpasya at hahakbang,
sapagkat hindi alam ang patutunguhan,
 
paano't ano mga naglalarong katanungan,
matagal kong hinahanapan ng kasagutan,
hanggang ngayon nalilito kung saan,
walang katapusang pakipagsapalaran,
 
minsan naiisipang sumuko na lang,
ngunit wika ng puso ito'y isang kahangalan,
hanggat makakaya'y dapat lalaban,
mahalagang tapusin ang napagsimulan,
 
maging malakas at matatag kailanman,
Siya ang nakaaalam sa'ting kahihinatnan,
sa kanya'y magtiwala't huwag panghihinaan,
tandaang Siya'y makapangyarihan,
 
-Lady Lory Ann G. Rabaca

Friday, October 17, 2014
Topic(s) of this poem: life
COMMENTS OF THE POEM
MIGHTY FLASH 16 27 October 2019

Nice and meaninful

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success