Paglisan Poem by Jesus Diaz Llorico

Paglisan

'Noong ako ay lumisan
sa bansang aking kinagisnan
at napadpad sa gitnang silangan
higit dalawampung taong nakaraan
mga simpleng pagmamahalan na naiwan
sa katagalan nakakalimutan
pero ang pag ibig na tunay
habang tumatagal
ay lalo namang tumitibay
gaya ng hangin na nagpapagalaw
sa mga dahon makulay
at sa siga na aking ginawa
na nagbibigay ng ilaw
sa ilalim ng punong anahaw

Akin pang naalala
noong una tayong magkita
habang nagkakatinginan
hindi na alam ang lugar kung saan
sa panahon hindi alam kung kailan
o ilang beses tayong nagkangitian
pero isa lang ang nalalaman
ng pagkakataon na iyon
ay nabago na ang aking buhay
na hanggang ngaun ay hindi
kailan man makakalimutan
sa ganda ng iyong ngiti at mata
mundo'y tila hindi gumagalaw
sa tamis ng ating pagmamahalan.'

Monday, November 24, 2014
Topic(s) of this poem: love and art
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success