mahirap manindigan
lalo na kapag ang puso ang kalaban
kahit gaano ka kagaling mangatwiran
isa ka pa ring talunan
pagkat dito nakasasalalay iyong nararamdaman
kahit gaano mo siya gustong kalimutan
kahit na gusto mo siyang talikdan
kahit nais mo siyang iwanan
di mo magawa sapagkat siya ang kaligayahan
ang iba'y di ka maintindihan
sa iyong patuloy na paglaban
kahit na walang patutunguhan
at sa huli'y iyong iiyakan
hindi kasi nila alam
kung ano ang iyong pinagdadaanan
kaya lagi kang hinuhusgahan
na dahilan para ika'y mahirapan
minahal mo siya ng totoo
hindi mo ito nilalaro
lalo na't hindi ka nagbibiro
pagkat puso mo'y seryoso
mahirap tanggapin ang mapait na katotohanan
na hindi lahat ng kwento'y nauuwi sa kasiyahan
may ibang nahantong sa mapait na kalagayan
ang iba'y nanatiling katanungan
mahirap mahalin ang taong di sa iyo
patuloy
mo siyang sinusulyapan sa malayo
pagkat nararamdaman mo'y pilit na itinatago
ayaw mong malaman niya ito
lihim m, o siyang minamahal
kaya't lihim ka ring nasasaktan
pinili mong maging hangal
pinili mo ring maging talunan
ano pa bang magagawa ko
kung iyon ang nais ng puso mo
sino ba naman ako sa buhay mo
isang hamak na estranghero lang naman na napadaan
at naaksidenteng ikaw ay aking minahal..
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem