Paalam Poem by Judea Mae Espanola

Paalam

Patawarin mo sana,

Ang damdaming naguguluhan,

Di naman talaga sadya

Na puso mo ay masaktan



Sana nga’y masabi sayo,

Na ganon pa ri’ng nadarama,

Na ikaw pa’y mahal ko,

At sayo’y masaya pa



Ngunit hindi ko na kaya,

Ayaw ng pilitin pa,

Alam natin natin pareho

na pagmamahal ay wala na..



Sana ikaw ay maging maligaya,

kahit sa piling mo ako’y wala,

at kung tayo nga talaga’ng tinadhana,

asahan mong hindi ito ang huli nating pagkikita.



Salamat sa saya, luha at tawanan,

At sa iba pang bagay na di malilimutan..

Aasahan kong ako’y iyo ng kalilimutan,

At ang sarili mo ay huwag pababayaan..



Paalam kaibigan, na minsan kong minahal,

At hiling ko sana ay balang araw,

Makakita ka ng babaeng sa puso mo’y pupukaw,

Ang sagot sa lahat ng iyong dinadasal…

Wednesday, March 12, 2014
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Judea Mae Espanola

Judea Mae Espanola

Manila, Philippines
Close
Error Success