Nasaan Ang Kasiyahan Ii Poem by Bernadette Camara

Nasaan Ang Kasiyahan Ii

Rating: 5.0

malungkot ang gabi, maliwanag sa labas,
pero pagbukas ng pinto nandun ang dilim.
naisip kong buksan ang ilaw
dahil ngbabakasakaling ang dilim ng kalungkutan
ay liliwanag din at mapapalitan ng kasiyahan,
hindi ko ginawang buksan ang ilaw
sa halip ay nglakad ng tumutulo ang luha na parang talunan.
pumasok sa kwarto, nglalakad ng madilim na parang bulag dala ang aking mga luha.
humiga sa kama at duon binuhos lahat ng luhang d mapigilang ilabas.
nghahanap ng maiiyakan, masasandalan.
ngunit tanging ito lng ang nakikita kong paraan upang hindi maapektuhan
ang mga bagay at taong hindi naman dapat naaapektuhan,
hanggang sa gumising ako ng umagang nanduon ang pagsusumamo
na paglabas ulit sa pinto ng totoong mundo
ay makita na ang tunay na kaligayahang
hinahangad.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success