Napapagod Din Pala Ang Puso Poem by Minerva Agriam

Napapagod Din Pala Ang Puso

Ang tagal kitang hinahanap,
Di na maisip ang mga sandali.
Araw araw naman kitang kapiling,
Bakit naghahanap pa rin?

Ikaw na ba talaga o may iba pa?
May hihigit pa ba sa kariktan,
Katangian na sa iyo lang nakikita?
Ikaw lang ang tanging giliw.

Bakit parang walang katuturan,
Ang mga paglalambing at pag-aalaga?
Hindi mo ba naramdaman o nakikita,
Na ang mga ito ay para sa iyo lamang?

Parang walang patutunguhan,
Itong pagmamahal dahil
Magkasalungat ang mga prinsipyo.
Ang mga pangarap ay di magkasaundo.

Napapagod din pala ang puso,
Lahat na gusot na dulot
Nang di pagkakaunawaan,
Ay gusto ng iwaglit at tatalikuran.


(10/13/04. 11: 55 p.m)

Thursday, December 22, 2016
Topic(s) of this poem: heart
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success